^

Metro

Karnaper umatake: Sasakyan ng Mindoro Mayor, tangay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muli na namang umatake ang mga karnaper sa lungsod Quezon kung saan tinangay ang sasakyan ni Calintaan, Occidental Mindoro Mayor Lily Estoya na nakaparada sa harap ng tinutuluyan nito sa lungsod, ayon sa pulisya kahapon.

Ayon sa ulat ni PO3 Ernesto Corpuz Jr. ng La Loma Police Station, ang insidente ay ipinabatid sa kanilang tanggapan ng isang Herbert Aikee Estoya, anak ng alkalde, tubong Occidental Mindoro.

Partikular na nakuha sa biktima ang isang kulay itim na Isuzu Sportivo model 2012 at may plakang SKT-249 na nakarehistro sa munisipa­lidad ng Calintaan, Occidental Mindoro.

Ayon sa batang Estoya nangyari ang insidente sa pagitan ng alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng mada­ling-araw sa harap ng kanilang tinutuluyan sa 18 Halcon I, malapit sa P. Margal St., Brgy. Sta. Teresita, sa lungsod.

Sinasabing galing umano ng Maynila ang mag-inang Estoya at pagsapit sa kanilang tinutuluyan ay ipinarada ito ni Herbert sa harap.

Pagkagising kinabukasan, nang muling gagamitin ng mag-ina ang sasakyan para bumalik na sa Mindoro ay nagulat na nawawala na ito.

Sabi ni Corpuz, may mga testigong nagsabi na nakita na lamang ang sasakyan na umatras mula sa harap ng bahay, saka pinaharurot ito papalayo patungong Manila. Hindi naman umano nakita ng testigo kung ilan ang suspect dahil sa bilis ng pangyayari.

Sa kasalukuyan, inalarma ng awtoridad ang nasabing sasakyan sa lahat ng kapulisan habang ang kaso ay ipinasa na ng PS1 sa tanggapan ng Anti-carnapping unit sa Camp Karingal para sa patuloy na pagsisiyasat.

AYON

CALINTAAN

CAMP KARINGAL

ERNESTO CORPUZ JR.

ESTOYA

HALCON I

HERBERT AIKEE ESTOYA

ISUZU SPORTIVO

OCCIDENTAL MINDORO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with