10 trak ng basura nasamsam sa Baywalk
MANILA, Philippines - Umaga pa lamang kahapon ay nakapaghakot na ng sampung trak ng baÂsura mula sa dalampasigan ng Manila Bay sa Roxas BouleÂvard sa Maynila ang Metropolitan Manila DeveÂlopment Authority, Department of Public Works and Highways at Department of Public Service ng Maynila.
Karamihan sa mga naÂhakot na basura ay kiÂnabiÂbilangan ng styrofoam, tsinelas, plastic at kahoy.Maging ang mga patay na hayop na pinaniniwalaang nalunod sa mataas na pagbaha ay nakuha rin sa dalampasigan.
Dinala sa Pier ang nasabing basura na ililipat sa barge na nag-aabang doon.
Kung magtutuluy-tuloy umano ang pag-ulan at malakas na alon, posibleng hindi kayang tapusin sa loob ng maghapon ang paglilinis sa baybayin ng Manila Bay.
- Latest