7 sugatan sa pagsabog sa San Juan
MANILA, Philippines - Pito katao ang sugatan sa pagsabog na naganap sa isang seafood restaurant sa San Juan City kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang mga nasuÂgatan na sina Allan Cabana Mauriel, 46, trabahador na nagkukumpuni sa laundry shop na katabi lamang ng restaurant na sumabog; Julius Ras, 27, trabahador din sa laundry shop; Jaime Arvin Tacdoro, 22; Marlo UrdasÂ, 40; Reynaldo Namura, 30; Gabriel Padilla, 45, taxi driver at Benito Tino Jr., security guard ng Mercury Drug.
Batay sa imbestigasyon ng San Juan Police, naÂganap ang pagsabog dakong ala-1:00 ng madaling-araw sa Manosa Restaurant na matatagpuan sa Wilson St., sa San Juan, habang papasara na ito.
Nagulat na lamang ang mga tao sa lugar nang may biglang sumabog at dahil sa lakas ay nangabasag ang mga salamin ng mga katabi at katapat na establiÂsimento na kinabibilangan ng isang laundry shop at Pizza Hut restaurant.
Nadamay din sa pagÂsabog ang walong saÂsakyan at ilang motorsiklo sa kalÂsada.
Kaagad namang isinugod sa pagamutan ang mga biktima kung saan sila nilalapatan ng lunas.
Batay naman sa mga nakalap na ebidensiya ng Explosive and Ordnance team ng pulisya, posibleng hindi bomba ang sumabog sa lugar kundi maaaring tangke ng Liquefied Petroleum Gas (LPG).
Walang nakitang seconÂdary devices at crater na karaniwang nagkakaroon sa mga pagsabog na likha ng bomba at wala ring indikasyong may mga pulbura ng pampasabog dahil nag-negatibo nang pasadahan ng mga bomb-sniffing dog ang lugar.
Sinabi ni P/Chief Superintendent Miguel Laurel, director ng Eastern Police District (EPD), na may mga indikasÂyon na gas explosion nga ang naganap dahil nakaamoy umano ng masangsang ang mga imbestigador at wala ring crater na nakita sa lugar.
- Latest