P.5-M itinakbo ng mensahero
MANILA, Philippines - Tinutugis ng pulisya ang isang messenger matapos na umano’y tumangay ng mahigit kalahating milyon mula sa kompanyang kanyang pinagtatrabahuhan sa Pasig City kamakalawa.
Ang suspek ay nakilalang si Rodel Garate, nasa hustong gulang, at residente ng #9 Sta. Maria St., Brgy. Kapitolyo, Pasig City.
Si Garate ay inireklamo ng pagnanakaw ng ARRHA Exportation Inc. na matatagpuan sa 15th Floor, One San Miguel Building, Ortigas Center, Pasig City at kinakatawan ni Juvy Ilag, 33, accountant officer ng naturang kompanya.
Sa reklamo ni Ilag kay SPO4 Geminer Tingne ng Criminal Investigation Unit ng Eastern Police District, naÂbatid na dakong alas-11:30 ng umaga nang Hulyo 25 nang utusan niya ang suspek na mag-withdraw ng P542,000 na pera ng kanilang kompanya sa isang banko sa Ortigas Branch, na hindi kalayuan sa nasabing lugar.
Subalit matapos na makapag-withdraw ay hindi na umano nagpakita pa ang suspek at hindi na rin umano ito umuwi sa bahay na kanyang tinutuluyan kaya’t malaki ang hinala ng mga ito na tinangay na ng suspek ang winithdraw na pera.
Maging ang cellphone ng suspek ay hindi na rin umano makontak kaya’t nagpasya ang mga may-ari ng ARRHA na sampahan na si Garate ng kaso.
- Latest