^

Metro

North Cemetery gagawing ‘hi tech’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang mapanatili ang ka­ayusan at kalinisan sa loob ng naturang kampo santo plano ng bagong ad­mi­nistrasyon ng Manila North Cemetery (MNC) na maki­pagsabayan sa maka­bagong teknolohiya.

Ayon kay MNC Director Rafael “Raffy” Mendez, plano nilang magpalagay ng 16-na CCTV cameras na ikakalat sa buong semen­teryo upang mamonitor ang mga nagaganap sa buong maghapon. Ito rin ang magsisilbing mata kung may ma­gaganap na krimen o iligal na gawain sa loob ng sementeryo.

Pinasimulan na rin  nito na ipa-computerize ang mga listahan ng mga pangalan na nakalibing sa loob ng se­­menteryo gayundin ang lo­kasyon kung saan ito nakalibing upang madaling ma­hanap ng kanilang mga kamag-anak.

“Sulat kamay lang sa re­cord book nakalista ang mga pangalan ng mga nakalibing dito (MNC), kaya na­isip ko na ipa-computerize para mas madaling hanapin ang mga pangalan gayundin ang lokasyon kung saan sila naka­libing,” paliwanag ni Mendez.

Nakikipag-usap na rin ang kampo ni Mendez sa isang malaking telecommu­nication company upang ma­­kapagpakabit na sila sa ka­nilang opisina ng internet connections dahil balak nitong maglagay ng “free Wi-Fi Zone” sa kanilang opisina upang magamit ng mga dadalaw sa naturang sementeryo lalo na sa nalalapit na araw ng Undas.

Target din ni Mendez na makapagpatayo ng anim na comfort rooms sa buong MNC upang makagamit ang mga dadalaw ng isang malinis na palikuran di tulad ng kanyang mga naabutan ng puro “portalet” lamang.

Tututukan ng administrasyon ni Mendez na pa­natilihing malinis ang loob ng MNC, mabilis na pag-aksyon sa mga nawawalang puntod, at pagpapahuli sa mga “wanted” na tao na nagtatago sa loob ng sementeryo.

Dagdag pa ni Mendez, magbubukas din sila ng ka­ni­lang sariling Website kung saan makikita ang listahan ng mga pangalan na naka­libing sa MNC.

AYON

DAGDAG

DIRECTOR RAFAEL

MANILA NORTH CEMETERY

MENDEZ

SHY

WI-FI ZONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with