^

Metro

Koreano hulog sa 3rd floor, sugatan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masuwerteng nakaligtas kay kamatayan ang isang Korean national na aksidenteng nahulog umano sa ikatlong palapag ng isang apartelle ma­tapos buksan ang binata para magpahangin sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Sa ulat ni PO2 Hermogenes Capili, nakilala ang biktima na si Hong Ryul Yang, 27, binata, estudyante sa EZ Academy at residente sa no. 29 Paraluman St., Isadora Hills, Don Antonio Hills sa lungsod.

Nangyari ang insidente sa may room 309 ng Aeroplace Apartelle na matatagpuan sa no. 69 Regalado Avenue, Brgy. West Fairview, ganap na alas-5:45 kamakalawa ng madaling-araw.

Bago nito, nagcheck-in ang biktima kasama ang isang Samantha Katindig, sa nasabing apartelle ganap na ala-1 ng madaling-araw.

Sa loob ng kuwarto ay nag-inuman umano ang biktima at si Katindig hanggang sa sila’y maka­tulog. Madaling-araw nang magising ang biktima at pumunta ito sa bintana saka binuksan ang lock nito.

Pero pagkahakbang umano ng biktima ay aksi­denteng mahulog ito. Agad namang tinulungan ni Katindig ang Koreano at isinugod sa FEU hospital kung saan ito ginamot at ngayon ay inoobserbahan.

Ang biktima ay nagtamo ng injury sa ulo at hematoma sa kanyang mukha.

Sa pagsisiyasat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District sa apartelle napuna nila ang mga paglabag dito, partikular ang kawalan ng window grills na ma­aring makapigil sa mga kustomer para mahulog.

Giit pa ng CIDU, maging ang management ng nasabing gusali ay hindi umano nakikipag-co­operate sa kanila ukol sa nasabing pangyayari.

AEROPLACE APARTELLE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DON ANTONIO HILLS

HERMOGENES CAPILI

HONG RYUL YANG

ISADORA HILLS

KATINDIG

PARALUMAN ST.

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with