Kahon-kahong marijuana bricks nakumpiska sa bus terminal
MANILA, Philippines - Kung hindi pa nangamoy ay hindi pa matutuklasan ang kahon-kahong marijuana habang ito ay nasa compartment ng isang pamÂpasaherong bus sa terminal ng Victory sa Cubao, lungsod Quezon kahapon ng umaga.
Ayon kay Police Insp. Manuel Laderas, hepe ng traffic sector 4, nadiskubre ang nasabing iligal na kontrabando matapos na ma amoy ng isang dispÂatcher ng bus ang halimuyak ng amoy nito habang nagtatawag ng pasahero sa may Victory terÂminal na matatagpuan sa kahabaan ng Edsa, malapit sa Mapagmahal St., Brgy. Pinyahan.
Ang mga naturang kahon ay may mga pangalang Ma. Dolores Pacay at Renato Peralta, na pinaniniwalaang pagdadalhan.
Dagdag ni Laderas, gaÂling umano ang kahon sa Tabuk City, Kalinga Apayao, at nakatakdang kunin sana ng dalawa nang maÂbisto ng dispatcher na si Herny Marpa, ganap na alas-9 ng umaga.
Sinasabing pagsapit sa terminal at ibaba sana mula sa compartment ang kahon nang mapansing ang mga nakalabas na tuÂyong dahon sa isa sa kahong napunit kung saan naÂlanghap ni Marpa ang kakaibang amoy nito.
Nang busisiin ni Marpa ay nabatid na ang laman nito ang iligal na droga na may kabuuang 142 bricks, kung saan ang isang brick ay tinatayang nagkakahaÂlaga ng P2,000.
Bukod dito, napag-alaÂÂÂman sa awtoridad na matapos na makuha ng mga opeÂÂratiba ang iligal na droga, apat na lalaki na nagÂpakilalang miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nagtungo sa naÂsabing terminal para kuÂnin ito, pero nang malamang nasa TS4 na ay agad din ang mga itong sumibat.
- Latest