Photo competition sa Aliwan Fiesta
MANILA, Philippines - Naglunsad muli ang Manila Broadcasting Company ng isang photo competition kaugnay ng pagtatanghal ng Aliwan Fiesta grand parade sa ika-13 ng Abril. “Pista sa amin ay ganyan†ang tema ng pagkuha ng litrato sa taong ito bilang pagkilala sa mataas na antas ng paglikhang ipinapamalas nating mga Pinoy, maging sa sayaw, sa float design, at iba pang sining na binibigyang-pansin sa pinakamalaking kapistahan ng bansa.
Maaaring gumamit ng digital o film-based na kamera. Ilagay sa 8R size ang mga lahok na de-kolor na may kasamang high resolution JPG file sa CD. Dapat kuha ang litrato sa araw ng parada, na magsisimula sa Quirino Grandstand patungong Aliw Theater kung saan ito magtatapos.
Tig-limang entry lamang ang tatanggapin mula sa bawat sasali. Dapat sila’y mga litrato ng iba’t ibang contingent na kalahok sa parada – tatlo sa streetdance competition at daÂlawa mula sa float parade. Hindi pa dapat nagwagi sa ibang kumpetisyon, ni lumabas sa anumang babasahin ang litratong ilalahok. Lakipan ng dalawang kopya ng entry form na maaÂaring ma-download sa http://www.aliwanfiesta.com.ph kasama ng isang self-addressed, stamped Manila envelope. Nasa website din ang iba pang detalye ukol sa kumpetisyon. Dalhin kay Susan Arcega sa tanggapan ng MBC bago mag-alas-12 ng tanghali sa ika-26 ng Abril. P50,000 ang nakalaan sa magwawagi; P25,000 sa ikalawang puwesto; at P10,000 sa third prize.
- Latest