Nakapatay sa PNP major: Tsinoy sa madugong Skyway accident, tumakas sa ospital
MANILA, Philippines - Nakatakas sa mahigpit umanong pagbabantay ng mga pulis ang isang 50-anyos na negosyanteng Tsinoy sa kuwarto nito sa Asian Hospital bago pa man masampahan ng kasong kriminal kaugnay ng pagiÂging suspek sa pagkasawi ng isang opisyal ng pulisya at pagkakasugat ng apat pang katao, nitong nakaraang Sabado sa aksidenteng naganap sa Skyway sa Parañaque City.
Pinaiimbestigahan na ni NCRPO Director Leonardo Espina kung paano nagawang makatakas ng suspek na si Aldwin Co, gayung bantay-sarado ito ng mga pulis habang nakaratay sa Asian Hospital.
Isinugod si Co at ang kasambahay nitong si Grace Animay sa naturang pagamutan makaraÂang mabundol ng kanyang minaÂmanehong Ford Mustang GT sports car ang Mistubishi Adventure na minamaneho ng nasaÂwing si Chief Insp. Ferdinand RoÂsario, nakatalaga sa Regional Public Safety BatÂtalion nitong Sabado sa south-bound lane ng Skyway.
Nasawi sa insidente si Rosario nang tumilapon palabas ng sasakyan haÂbang sugatan ang mga kasamahang pulis na sina PO1s Junry Ybanez, Merlito Paliwa at Andrew Lamayo.
Nagpahayag naman ng pagkadismaya ang kapatid ng nasawi na si Atty. Conrad Rosario sa mga pulis na nagbabantay sa suspek at sa bagal umano ng isinaÂgawang imbestigasyon ng Highway Patrol Group (HPG). Nanawagan ito kay Co na sumuko at panagutan ang kanyang krimen.
Sinabi naman ni SPO1 Ramon Paggadu, imbestigador na may-hawak ng kaso, na tiwala siya sa mga nagbabantay na pulis nang kanyang iwan sa naturang pagamutan. Itinanggi nito na naging mabagal sila sa pag-iimbestiga dahil sa nakatakdang isampa na umano nila ang kasong “reckless imprudence resulting to homicide at mulÂtiple physical injuries†laban kay Co.
Nagtungo na rin sa kanyang bahay sa Ayala-Alabang at sa bahay ng ina nito sa Maynila ang mga pulis ngunit hindi nasumpungan ang suspek.
Samantala, ginawaran naman kahapon ni Espina ng “posthumous award†na Medalya ng Kasanayan si Rosario dahil sa paglalaan ng buhay nito sa serbisyo bilang pulis.
- Latest