Parak itinumba habang nagto-tong-its
MANILA, Philippines - Patay ang isang pulis matapos itong barilin ng hindi pa nakilalang suspect habang ang una ay naglalaro ng tong-its habang sugatan naman ang dalawang kababaihan nang tamaan ng ligaw na bala kamakaÂlawa ng gabi sa Pasay City.
Dead-on-the-spot si PO3 Alberto Aladano, 48, nakatalaga sa NCRPO-Regional Personnel Holding and Auditing Unit (RPHAU) at residente ng 6-A Minahan St., Marikina City sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan buhat sa kalibre .45 baril.
Sugatan naman maÂtapos tamaan ng ligaw na bala si Marisa Sese. 44, ng Acacia St., Bo. Sto Niño. Nasaktan din si Delima Habingan, 54, na kasalukuyang nagluluto nang tamaan ng ligaw na bala ang kawali na puno ng kumukulong mantika na naging dahilan upang mabanlian ang kanyang dibdib.
Batay sa imbestigasÂyon ni SPO1 Joel LanÂdiÂcho ng Station ng Pasay City Police, naganap ang insidente dakong alas-6:00 ng gabi sa panulukan ng Acacia at Lawaan Sts., Bo. Sto. Niño ng naturang siyudad.
Napag-alaman na nagkatinginan muna ang suspect at ang pulis na kasalukuyan namang naglalaro ng tong-its, nang bigla na lamang bumunot ng baril ang suspect at pinaputukan kaagad si Aladano.
Hindi na nakaganti pa ng putok ang pulis.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen.
- Latest