Ingay ng Malaysian embassy inireklamo
MANILA, Philippines - Nahaharap ngayon sa alaÂnganin ang embahada ng Malaysia sa Makati City makaraang ireklamo ng paÂmunuan ng isang condominium building dahil sa sobrang ingay umano na nililikha ng tatlong cooling towers nito dahilan para magsialisan ang kanilang mga tenants.
Ayon kay Ellen Paulete, manager ng Two Lafayette Square Condominium Association Inc., sa may TordeÂsillas St., sa Salcedo Village, na nagpadala na sila ng liham sa katabing Malaysian Embassy noon pang Agosto ng nakaraang taon na nagsasaad ng kanilang reklamo ngunit hanggang ngaÂyon ay hindi pa inaakÂsyunan ang problema.
May ilan na umano sa kanilang mga tenants ang nag-alisan na dahil sa pagkairita habang ang iba ay hindi makatulog tuwing gabi dahil sa ingay.
Nangangamba ang pamunuan ng condo building na bumaba ang halaga ng kanilang mga units o mas nakakatakot ay wala nang teÂÂnants na kumuha ng mga ito dahil sa ingay ng embahada.
Lumabas din sa pagsusuri na lumagpas sa limitasyon ang ingay na idinudulot ng naturang cooling towers na itinakda ng Makati Commercial Estate Association.
Sa panig naman ng embahada, tiniyak ng Chancery ng Malaysian Embassy na si Zakaria Nasir na gumagawa na sila ng paraan upang matuguan ang reklamo sa idinudulot na ingay ng kanilang cooling towers.
Iminungkahi na rin ng kanilang mechanical consulÂtant ang pagkakabit ng insÂtrumentong pipigil sa nililikhang ingay subalit kina kailangan pa nilang isumite ang panukala sa kanilang foÂreign miÂnistry sa Kuala Lumpur.
Humingi ng paunawa ang embahada dahil kinakailaÂngan pa rin aniyang idaan sa tamang proseso ang pagÂlalagay ng mga kinakailaÂngang instrumento kaya’t hindi kaagad-agad itong matuÂtuÂgunan dahil dadaan pa ang pag-apruba sa nakatataas sa kanila.
- Latest