^

Metro

Dahil sa gas leak paputok ban sa 3 barangay sa Makati

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mahigpit pa ring ipinatu­tupad ang all-out ban sa lahat ng uri ng paputok at maging pa­ilaw sa tatlong barangay sa Makati City na tinamaan ng gas leak dalawang taon na ang nakalilipas.

Ito ay dahil sa patuloy pa rin umano na nakalalanghap ng gas sa ilang lugar sa Brgy. Bangkal, Pio del Pilar at Magallanes na siyang pinakamalapit sa West Tower Condominium na unang natuklasan na nagkaroon ng gas leak sa tubong pag-aari at pinatatakbo ng First Philippine Industrial Corporation (FPIC) noong Hulyo 2010.

“Since the problem of the oil leak has not been resolved with finality, the ban on firecrackers, pyrotechnics and similar explosive materials will continue to be strictly implemented in the three affected barangays,” ani Mayor  Jejomar Erwin Binay.

Tulad ng mga nakaraang pagsalubong sa Bagong Taon, pinayuhan ni Binay ang mga residente ng naturang tatlong barangay na sa halip na paputok at pailaw ay gumamit na lamang ng mga torotot, pagkalampag sa mga kaldero at kawali at pagbusina sa mga sasakyan.

Nananatili pa rin umano ang panganib na maaaring pag­mulan ng pagsabog o sunog ang pagpapaputok ng mga residente dahil nasa hangin pa ang masamang kemikal na dulot ng oil leak.

Matatandaan na ipinasa ng Sangguniang Panglungsod ng Makati ang City Ordinance No. 2010-A-020 na nagpapataw ng multang P5,000 at anim na buwang pagkakulong sa bawat personalidad na mahu­huling gagamit ng paputok at magbebenta.

Kung kompanya o korporasyon naman ang maki­kitang lalabag, ang presidente o general­ manager ang mana­nagot sa batas.

Bukod dito, ipinaalala rin ni Binay ang ban sa lahat ng barangay na nasasakop ng Makati ang pagbebenta ng lahat ng uri ng paputok sa mga paslit.  Inatasan nito ang mga opisyal ng barangay at Makati Police na mahigpit na ipatupad ang mga ordinansa laban sa paputok upang makatiyak na ligtas ang publiko sa pagsalubong sa Bagong Taon.

BAGONG TAON

BINAY

CITY ORDINANCE NO

FIRST PHILIPPINE INDUSTRIAL CORPORATION

JEJOMAR ERWIN BINAY

MAKATI

MAKATI CITY

MAKATI POLICE

SANGGUNIANG PANGLUNGSOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with