Traffic enforcer ‘di kukunsintihin

MANILA, Philippines — Mismong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang nag-post sa kanilang official Facebook page ng viral video na nagpapahiwatig na hindi itinatago ang pagkakamali ng isang MMDA traffic enforcer na nag-counterflow sa EDSA bus lane nitong Sabado ng madaling araw, Hulyo 18.
Sinabi ni MMDA Chairman Atty. Don Artes na hindi tino-tolerate ng ahensiya ang mga maling gawain ng sinuman sa tauhan nito. Hindi rin aniya tinatago ang mga maling gawain ng mga kawani ng ahensiya para hindi pamarisan.
Mahaharap aniya, sa multang P5,000 dahil sa paggamit sa bus lane at administrative sanction ang enforcer na si alyas “Jeffrey.”
Nabatid na nakarating na rin sa Land Transportation Office (LTO) ang ginawang paglabag ng traffic enforcer na inisyuhan na ng show cause order.
- Latest





















