^

Metro

Kelot grinipuhan ng 2 bagets sa birthday party

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naging madugo ang isang debut party nang pagsasaksakin hanggang mapatay ng dalawang bagets ang isang bisita ng birthday celebrant kahapon ng madaling araw sa ­Quezon City.

Kinilala ang biktima na si alyas Jañola, 27, ­binata, ng Carlos St., Brgy. Apolonio Samson, ­Quezon City habang nadakip naman sina alyas Paluay, 18, estudyante ng West Apollo West, Brgy. Del Monte, at alyas Nash, 17, kapwa naka­tira sa Carlos St., Brgy. Apolonio Samson, QC.

Sa report ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit ng  (QCPD-CIDU), bandang 2:30 ng madaling araw nitong Martes, nang maganap ang insidente sa Brgy. Apolonio Samson, sa lungsod.

Batay sa imbestigasyon ni PSSg Lo­renz Mappala, kapwa bisita ang biktima at mga suspek sa ika-18 kaarawan ng kaibigang si ­“Gabriela” sa bahay nito sa nasabing lugar.

Pagkatapos ng party, sinundan ng mga suspek ang biktima at sa hindi malamang dahilan, ay biglang sinuntok ito ni Nash.

Nang bumagsak ang biktima ay nilapitan naman ito ni Paluay at paulit-ulit na sinaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Pagkatapos ay kaswal na naglakad ang mga suspek ay muling bumalik sa bahay ng birthday celebrant na si Gabriela.

Isinugod naman ang biktima ng mga kapatid at kaibigan sa Quezon City General Hospital subalit idineklara na itong dead-on-arrival ni Dr Danielle Sabrina Lim, ang attending physician.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa dalawang binatilyo na hindi nagbigay ng detalye sa nangyaring krimen.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->