^

Pang Movies

Filipiñana, may blessing ng ampas sa Oscars

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Filipiñana, may blessing ng ampas sa Oscars
Filipiñana
STAR / File

Ang pelikulang Filipiñana ni Rafael Manuel ang ipapadala ng Pilipinas sa 99th Academy Awards.

Ayon sa post ng Film Academy of the Philippines (FAP) headed by Paolo Villaluna as Director General, isinagawa ang pagpili ng isang komite na binubuo ng mga eksperto sa industriya ng pelikulang Pilipino – na inaprubahan ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences o AMPAS. Sinuri umano ng komite ang mga pelikulang isinumite para sa konsiderasyon, kung saan tinasahan ang mga ito batay sa galing na pansining, kaugnayang kultural, at potensyal para sa international campaign.

Sa pagpili sa Filipiñana, isinaalang-alang diumano ng komite ang integridad ng pelikula, ang dedikasyon at kakayahan ng mga prodyuser na tumugon sa mga kinakailangan ng kampanya para sa Oscars, at ang kakayahan ng pelikulang sumalamin sa dangal ng pelikulang Pilipino.

Kinilala rin ng komite ang natatanging biswal na istilo ng pelikula, ngunit higit sa lahat, ang matalas nitong pagsusuri sa mga usapin ng antas sa lipunan, kapangyarihan, paggawa at mga realidad ng lipunan, pati na rin ang lumalawak na pagkilala rito sa ibang bansa.

Nauna nang ipinalabas sa kakatapos na Cinemalaya ang Filipiñana.

Ang pelikula ay tumatalakay sa isang 17-year-old na Ilocana na habang nagtatrabaho sa isang exclusive country club ay natuklasan ang mga marahas na katotohanan tungkol sa kanyang pinagtatrabahuhan, sa kanyang bansa, at sa sarili niyang nakaraan, matapos niyang subukang ibalik ang isang nawawalang golf club set sa presidente ng nasabing club.

“The film offers a visually distinct and controversial portrait of the Filipino exper­ience: through the eyes of a young Filipina at an elite country club, the film exposes the structural violence, class disparity, and post-colonial inequities that persist even now beneath a meticulously manicured surface of privilege. Its gro­wing international critical recognition affirms both its artistic merit and its capacity to carry a Filipino story rooted in universal questions of power, identity, and survival to a global audience. The Film Academy will work closely with the Filipiñana team throughout the Oscars campaign, providing the support they need and make the most of this opportunity for Philippine cinema,” pahayag ni Director General Villaluna sa isang article na lumabas sa website ng FAP.

Kabilang sa pelikula sina Jorrybell Agoto, Carmen Castellanos, Teroy Guzman, Carlitos Siguion-Reyna, Isabel Sicat, and Nour Houshmand.

FILIPIñANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with