^

Pang Movies

Bukol sa leeg ni Anne, lumutang sa red gown

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Bukol sa leeg ni Anne, lumutang sa red gown
Anne Curtis.
STAR/ File

Nakakatawa ang comment ng ibang fans sa animo’y bukol ni Anne Curtis sa leeg.

Birit daw kasi nang birit si Anne kaya nagkaroon siya ganu’ng bukol sa leeg.

Napansin na naman kasi ng fans ang bukol na ‘yun ni Anne sa ginanap na finals ng Century Tuna Superbods Body 2026.

Particular na nung na-assign siyang magtanong sa Female Grand Winner na si Vienne Luna.

Naka-focus ang camera habang nagtatanong siya kaya naman visible ang kanyang leeg.

Anyway, sa question and answer ay tinanong niya si Vienne kung ano ang sasabihin niya sa isang taong nag-aala­ngan dahil sa takot na husgahan.

Pero sa halip na magbigay ng advice si Vienne, humugot siya mula sa isang personal na pagsubok na kanyang naranasan.

“I had an ACL injury five years ago, but it still kept me going. I embraced my body, I recovered, and I still trusted my body.

“And I think that’s the essence of unleashing your Superbod era—not punishing your body, but working out so that you can reward your body to unlock your fullest potential,” sabi ni Vienne na isang Star Worx artist.

Yup, ang pananaw na iyon ay nakatulong para mas ma­ging makabuluhan ang kanyang pagka­panalo.

Anyway, hindi pa officially inilu­lunsad si Vienne ng Star Worx pero dumaan na siya sa intense training ng talent arm ng TV5.

At ngayon ay kasama siya sa local adaptation ng Korean series na A Good Doctor na pinagbibidahan ni Inigo Pascual.

ANNE CURTIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with