^

Pang Movies

Ashtine at David, magtatambal?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Ashtine at David, magtatambal?!
Ashtine Olviga
STAR / File

AshDres at Barda buwag na

Nagtatanong ang AshDres fans nina Ashtine Olviga at Andres Muhlach sa Viva Entertainment kung bubuwagin na ba nila ang love team ng dalawa. Ito ay pagkatapos lumabas ang balitang magtatambal sina Ashtine at David Licauco sa isang project sa Viva.

Ang tinutukoy na project ay ang Philippine adaptation ng hit Korean drama na Fight for My Way at dahil film project ang pinirmahang kontrata ni David sa Viva, malamang pelikula ang pagsasamahan nila ni Ashtine.

Wala pang official na announcement ang Viva tungkol dito. Natutuwa ang solid fans ni Ashtine kung totoo ang project nila ni David dahil hindi siya mai-stuck sa love team. Dagdag pa ng fans, Ashtine needs to explore, kaya looking forward sila sa project with David.

Nalulungkot naman ang AshDres fans at feeling nila, simula na ito ng pagkabuwag ng love team nina Ashtine at Andres. Matagal na rin daw silang walang project at hindi man lang nakikitang magkasama.

Pati BarDa fans nina David at Barbie Forteza nalulungkot sa balita at ibig daw sabihin, buwag na rin ang love team ng dalawa. Wala ngang nababalitang naka-line up na project for them at parang malabo silang magkatrabaho ngayon after ng pahayag ni Barbie na ideal leading man si Khalil Ramos.

Glaiza, binaha ng pagbati

Nakakatuwang basahin ang congratulatory messages sa pagbubuntis ni Glaiza de Castro at ramdam mong totoong masaya ang kanyang mga kaibigan para sa kanya at sa asawang si David Rainey. Kasi, ang ibang messages, kasama ang pet names ng aktres na true friends niya ang tumatawag.

Halimbawa si Rochelle Pangilinan, “Congrats Bai!” si Direk Mark Reyes, “Woohooo! Emre is  so happy for you!!! I’m glad the secret is finally out.”

Comment naman ni Mikael Daez, “Let’s go Bos G! Congrats,” sinundan ni Gabbi Garcia ng “WAAAAH ITO NA!!! Huhuhu I’m so happy for you and David!!! Congratulations Ate Glai kakaiyak!” Boss G! rin ang itinawag ni Ruru Madrid sa comment niyang “Woot woot!! Congrats Boss G and David.”

Sa nabasa naming comments, mas maraming celebrity ang nag-congratulate kay Glaiza, ibig sabihin, marami ang nagmamahal sa aktres and for sure, loo­king forward na rin sila sa paglabas ni Baby Rainey.

Hindi nabanggit ni Glaiza kung ilang months na siyang preggy at ang nabanggit lang, she’s through sa first trimester.

ANDRES MUHLACH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with