^

Pang Movies

Misis na biglang yaman, nirerendahan ng mister sa shopping

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

NIRERENDAHAN sa gastos ng kanyang non-showbiz husband ang asawa niyang sikat na aktres.

Kapwa mayaman ang dalawa na kayang bilhin ang anumang gustong bagay. Diyan magkaiba ang mag-asawa.

Basta may nagustuhang bagay si aktres na type niyang ilagay sa bahay nila kahit milyon ang halaga nito kahit sa abroad, na pinipigilan siya ng husband. Marami naman sa bansa ng bagay na gusto niyang bilhin kaya todo pigil siya.

Eh parang old rich daw ang lalaki habang ang girl eh biglang yaman daw, huh!

Alex at Heart, kanya-kanyang rampa

KAPWA rumampa sa global fashion scene sina PH tennis champion na si Alex Eala at international fashionista na si Heart Evangelista sa Tony Burch fashion night sa New York Fashion Week sa New York City.

Kasama nina Alex at Heart na rumampa ang iba pang banyagang fashionista kaya naman proud moment ‘yon para sa bansa natin.

First time ni Alex na rumampa sa ganu’ng international fashion event. Pero wagi siya dahil nagustuhan siya ng mga tao lalo na ‘yung sumusubaybay sa kanyang tennis career.

Makikita sa Instagram at Facebook nina Heart at Alex ang event na dinaluhan sa NY!

Sa panig naman ni Heart, nagpaunlak siya ng isang interview kahit nasa kalye na natanong sa payo niya sa may depression at pati na rin affirmation niya rito.

Positibo ang tugon ni Heart na sinabing, “Always pray everyday” at basta may good heart ka eh in good hands na ang isang tao.

ALEX

HEART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with