^

Pang Movies

Carlos, ‘di pa rin napapatawad ang mga magulang!

CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Carlos, ‘di pa rin napapatawad ang mga magulang!
Chloe at Carlos
STAR / File

Buong tapang na sinagot ni Filipino Olympian Carlos Yulo ang tanong tungkol sa magiging papel ng kanyang mga magulang sa kasal nila ng longtime girlfriend na si Chloe San Jose sa isang panayam kay Karen Davila.

Ayon sa Filipino gymnast, mas gugustuhin na lamang niyang hindi dumalo ang kanyang mga magulang sa kanilang magiging kasal ni Chloe.

“For me, I think, because kasal po namin ‘yun and relationship po namin, and mas pipiliin kong kami na lang.

“Ayoko ring masira ‘yung moment namin – para sa amin dapat dalawa – ayaw ko ‘yun mamantiyahan. Marami na silang ginawa na pinatawad ko na, and hanggang doon na lang din ‘yun.

“So, hindi po. Gusto ko sa amin na lang po ‘yun, and I really want it to be really full of love and joy kapag nangyari po ‘yun,” diin pa ni Carlos.

Pahayag naman ni Chloe: “Of course, they’re Carlos’ parents. I think what he’s comfortable with, that would be what I’m comfortable with. That wedding day, it will really be about us. Whatever the outside people do, I think we will have our eyes locked onto each other. With or without them, we would have our eyes locked onto each other, so it wouldn’t bother me as much.”

Maureen, engaged na pagkatapos ng 23 taon

After 23 years ay engaged na sa wakas si Maureen Larrazabal sa kanyang non-showbiz partner.

Sa pagsalang ni Maureen sa vidcast na Your Honor, nag-share siya ng kanyang pananaw tungkol sa pagpapakasal.

“Sa akin personally, hindi ko sinasabi na tularan ng nakakarami, pero sa personal na experience ko mas okay sa akin ang hindi kayo kasal. Kasi, 23 years na kami, I am happy.

“Happy ako buo ang family ko. Happy kami sa bahay, okay kami na hindi namin naiisip na isyu ang piece of paper,” sey ng dating Bubble Gang comedian.

Tungkol naman sa pagiging engaged niya pagkaraan ng dalawang dekada...

“Well, binigyan na niya ako ng engagement ring, so, meron kami, nagplano na rin kami pero hindi pa namin alam. Siguro, pagka-60 plus na kami,” tawa pa niya.

May apat na anak si Maureen. Dalawa sa dating karelasyon ng kanyang fiancé at dalawang in-adopt nila.

Gaga, mommy na!

Nakita si Lady Gaga at ang kanyang fiancé na si Michael Polansky na karga ang kanilang first child.

Ayon sa report ng Page Six: “The couple was on a stroll with a newborn in Northern California. Gaga has the baby snuggled in a carrier at her chest. Gaga’s agent Alexandra Trustman joined them for the walk.”

Hindi pa ma-confirm kung nagbuntis ba si Gaga o gumamit ito ng surrogate.

After magtapos ang kanyang Mayhem Ball Tour last April, matagal na hindi nakita sa publiko si Gaga at bigla na lang itong lumitaw na may baby na.

In March 2025, nabanggit ni Gaga sa New York Times na gusto na niyang maging isang ina. “I’m excited to be a mom. I used to have a lot of apprehension about it. The thing that’s the most important to me is to not force my children to live a life that they are not choosing. So the more that we can give them space to discover who they are on their own, that’s the thing that I believe in the most.”

Na-engage si Gaga kay Michael noong April 2024.

CARLOS YULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with