Matteo at Sarah, nag-shopping ng baby stuff?!

Kakaiba ang description ni Matteo Guidicelli sa wife niyang si Sarah Geronimo sa Husband’s POV series sa vlog niyang Life with Gs.
Hindi lang ka-sweet-an ang kanyang sinabi patungkol sa asawa, may kasama pang pagpapasalamat.
Ipinagmalaki kasi ng guest ni Matteo na his greatest blessing of his life is being married to a nutritionist. Hindi lang daw masarap na dishes ang inihahain for him, healthy pa.
Sabi naman ni Matteo, “The greatest blessing of my life naman is, I’m being married to a Popstar Queen... a Popstar Royalty,” pauna nitong sabi.
“She’s also a nutritionist, my doctor, my mental coach, my fitness coach, my everything. Ang mga asawa natin ang baston ng ating buhay,” wika ni Mateo na sinundan ng magandang tawa.
Ayon naman sa fans, ang description ni Matteo kay Sarah at tawa nito ay sa isang tao na very much in love sa asawa. Dahil kumikislap daw ang mga mata nito while talking about his wife.
Wish ng fans, mapanood ni Sarah ang nasabing episode para lang malaman niya that her husband loves her so much.
Samantala, dahil wala pang formal announcement sina Sarah at Matteo sa isyung pagbubuntis ni Sarah, bahala muna ang fans na bigyan ng meaning ang mga kilos ng mag-asawa.
Gaya na lang nang sila ay mag-shopping. Ang tingin at paniwala ng fans, nasa baby section ng store sila nag-shopping at baby stuff daw ang pinamili.
Para sa fans, paghahanda na raw ‘yun sa pagdating ng kanilang baby.
Ganyan ka-excited ang AshMatt fans na magka-baby na ang mag-asawa at pati pagsa-shopping, binigyan ng ibang kahulugan.
May nakita sila (baby stuff) sa loob ng shopping bag na hindi natin nakita.
Jodi, nanay sa Miracle 2...
Makikilala na ngayong araw ang aktres na gaganap na ina ni Yesha sa Viva Films 2026 Metro Manila Film Festival entry na 2nd Miracle in Cell No.7. Sa post ng Viva, kalahati lang ng lower part ng face ng aktres ang nasa picture. Pero, ang clues na ibinibigay, malalaman kung sino ang aktres. Nakasulat ang “Joining the phenomenal movie that has touched the hearts of millions of Filipinos! Isang mahusay na aktres ang gaganap bilang nanay ni Yesha!”
Ang clue na ibinigay ng Viva Films, “An award-winning Actress is JOining the Cell No. 7 squad. Makikilala na ang nanay ni Yesha September 10, Thu, 5PM.”
Mamayang 5 p.m., malalaman at makukumpirma na ang hula ng marami na si Jodi Sta. Maria nga ang gaganap sa role ng nanay ni Yesha.
Sa tanong ng Viva Films kung sino ang hula ng fans, halos karamihan sa sagot ay pangalan ni Jodi. May humula ng Jane Oineza, Karylle at Roxanne Guinoo, pero mas marami pa rin ang naniniwalang si Jodi ang gaganap na nanay ni Yesha.
May sumagot pa nga ng “OMMMMMGGGG! Can’t wait to watch this. Ngayon pa lang nakikita ko na ang mga mata ni mowwm @jodistamaria na kahit hindi naman umiimik eh mararamdaman pa rin kung ano ‘yung ipinaparating.”
Ang role ni Yesha ay ginagampanan pa rin ni Xia Bernardo Vigor, siya rin ang gumanap na young Yesha at siya uli ang gaganap ng adult Yesha dahil in real life, 17 years old na siya.
Yohan, astig sa semi-kalbo look!
May pa-hair statement si Yohan Agoncillo, eldest nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo at sa post ni Ryan sa Instagram, makikitang tila semi-kalbo ang istilo ng buhok ni Yohan.
Mga tanong kung bakit daw nagpagupit ito ng ganoon kaiksi? Hindi na raw siya mukhang girl, bagay na ipinag-react ng fans. Nagpagupit lang daw at very short hair ito, hindi na siya mukhang girl?
Kung may mga nagtanong, sa bagong hairstyle ni Yohan, may mga natuwa dahil kakaiba raw. Ikinumpara pa nga siya sa singer na si Sade na mula noon hanggang ngayon, hindi na yata nagpahaba pa ng buhok.
Astig nga raw siyang tingnan, cool ang hairstyle at ang importante, bagay sa kanya.
Saka, kung sino kina Judy Ann at Ryan nga ay pumayag na magpagupit nang ganoon kaiksi si Yohan, sino tayo para magreklamo?
- Latest























