^

PSN Opinyon

Paano palabasin ang plema

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang plema (mucus) ay may mahalagang ginagampanan sa pagtanggal ng mga hindi kanais-nais na bagay sa ating baga. Para sa mga malusog na tao, ang lining sa daanan ng hangin sa baga ay may manipis na layer ng mucus na tinatawag na mucus blanket. Ito ang pumipigil sa alikabok, bacteria, at iba pang particles na makasira sa baga. Ang mucus ng isang malusog na tao ay dahan-dahan umaakyat para mailabas ang plema.

Ngunit para sa mga taong malakas manigarilyo, at may sakit sa baga, ang ganitong paglilinis ng baga ay humihina. Dahil dito, ang mucus ay naiipon sa baga at nagiging madikit at madilaw. Ito ang nagiging dahilan para mahirapan huminga.

Heto ang mga tips para maalis ang plema:

1. Uminom ng 8-10 baso ng tubig kada araw para mabawasang ang madikit na plema at madali itong mailabas. Uminom ng mucolytic, gaya ng carbocisteine o ambroxol capsules. Ang mga gamot na ito ay maaaring makapagpabago sa plema.

2. Ang tamang pag-ubo ay nakaupo ng deretso at ba­hagyang pasulong. Habang umuubo, suportahan ito sa pag­lagay ng kamay sa tuhod o paglagay ng siko sa armrest. Sa kabilang banda, mahirap umobo kapag nakahiga.

3. Subukan ang pag-langhap ng steam. Mag-pakulo ng dalawang tasa ng malinis na tubig at ilagay sa malaking bowl. Italukbong sa ulo ang tuwalya at saka langhapin ang usok. Ang isa pang puwedeng gawin ay buksan ang hot shower ng banyo at langhapin ang usok.

4. Subukan ang pagtapik sa likod o chest clapping. Gamit ang mga kamay, iporma ito ng patatsulok. Pagtapos ay ma­ra­hang tapikin ang likod para maglikha ng marahang tunog. Tapikin ang itaas at gitnang bahagi ng likod para matulungan na lumuwag ang madikit na plema. Ang ganitong paraan ay mainam sa mga bata na mayroong pulmonya.

5. Isang paalala: Para maprotektahan ang inyong likod sa pagka-pwersa, subukan ang marahang pag-ubo sa halip na isahang malakas na pag-ubo. Kung nakaramdam na ikaw ay babahing, subukan na kumapit sa upuan, mesa o dingding para masuportahan ang likod sa biglaang pag-ubo o pag-bahing.

6. Matulog na gamit ang 2 unan para hindi mag-ipon ng plema sa lalamunan at baga.

7. Sa huli, mag-patingin sa doktor para malaman ang pinagmulan ng ulo. Kung kayo ay naninigarilyo, ito na ang oras para kayo ay huminto sa paninigarilyo. Tandaan na panatilihin ang inyong baga na malinis at malusog, para kayo ay makahinga ng maayos.

* * *

Dry mouth o Panunuyo ng Bibig: May Diabetes na ba?

Napapansin mo ba na may mga sandali na nanu­nuyo ang iyong bibig?

Sumagi ba sa iyong isipan na ang panunuyo ng bibig ay maaaring may masamang epekto sa iyong kalusugan?

Alamin kung ito ba ay na­tural lamang.

Sagot:

Ang panunuyo ng bibig ay maaaring isang maagang sintomas ng diabetes. Sa hindi makontrol na diabetes (mataas ang asukal sa dugo), ang labis na asukal ay lumalabas sa ihi at ito ang nagiging sanhi ng pag­ka-dehydrated ng pasyente.

Kaya naman, ang mga unang sintomas ng diabetes ay may kasamang dry mouth, pag-inom ng sobrang tubig, ma­dalas na pag-ihi, at pagbaba ng timbang.

Ganunpaman, maaaring balewalain ang mga sintomas na ito dahil alam lamang ng ibang tao ang mga komplikas­yon sa huli na diabetes tulad ng pagkabulag, kidney failure at sugat na hindi gumagaling.

Suriin ang iyong fasting blood sugar upang matiyak na wala kang diabetes.

DOC WILLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with