^

Entertainment

‘Panahon na’: Awra Briguela fights back against years of online criticism

Jan Milo Severo - Philstar.com
‘Panahon na’: Awra Briguela fights back against years of online criticism
Awra Briguela
Awra Briguela via Instagram

MANILA, Philippines — Content creator and actress Awra Briguela opened up about the emotional toll of being continually reminded of a past mistake, saying she has spent more than three years trying to accept what happened, make amends and rebuild her life.

In a lengthy statement on Instagram, Awra acknowledged the mistake that led to a legal case more than three years ago and said she understands that forgiveness does not come easily.

“Hindi ko ito alam kung paano sisimulan dahil hindi naging madali ang lahat ng pinagdaanan ko,” she said.

“Mahigit tatlong taon na ang lumipas, pero hanggang ngayon pakiramdam ko hindi n’yo pa rin ako pinapakawalan sa pagkakamaling nagawa ko noon. Alam kong hindi madaling makalimot, at lalong hindi madaling magpatawad. Pero maniwala kayo, hindi rin naging madali para sa akin na patawarin ang sarili ko," Awra wrote. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by AWRA (@awrabriguela)

Awra was 19 when the brawling incident happened in Makati. She stressed that she was not using her age as an excuse to avoid accountability, but wanted people to understand that she was still young and had much to learn at the time.

“Sa totoo lang, 19 years old lang ako noong nangyari ang lahat ng iyon,” she said.

“Hindi ko sinasabi ito para gawing dahilan ang edad ko para takasan ang responsibilidad ko. Sinasabi ko dahil bata pa ako noon, marami pa akong hindi alam, marami pa akong maling desisyon, at marami pa akong kailangang matutunan sa buhay. Isa iyon sa pinakamabigat na leksyon na natanggap ko.”

She said the nearly year-long legal battle taught her to acknowledge her mistakes, ask for forgiveness and take responsibility for the people who were affected.

“Natutunan kong tanggapin ang pagkakamali ko, patawarin ang sarili ko, at humingi ng tawad sa lahat ng taong nasaktan at nadismaya ko — lalo na sa mga taong direktang naapektuhan ng nangyari,” she said.

“Hinarap ko ang lahat kahit napakahirap. Inamin ko ang pagkakamali ko at ginawa ko ang responsibilidad kong humingi ng tawad.”

Awra’s case was eventually dismissed, but she said she continues to feel as though she is being punished for the same mistake.

“Kaya hanggang ngayon, hindi ko maintindihan kung bakit parang habang-buhay na lang akong ikukulong sa isang pagkakamaling matagal ko nang inako,” she said.

“Oo, nagkamali ako. Nagkasala ako. Pero tao lang din ako. Nagkakamali ang tao, at naniniwala akong may karapatan din itong matuto at magbago. Hindi iyon ang buong pagkatao ko.”

Awra said one of the biggest lessons she learned was not to allow a past mistake to define her entire identity.

“Natutunan kong huwag ikulong ang sarili ko pagkakamaling nagawa ko dahil hindi iyon ang buong pagkatao ko,” she said.

“Ang pagkakamali ay dapat mag-silbing gabay at aral, hindi habambuhay na pagkakakilanlan.”

She also said genuine remorse should be reflected in a person's actions and willingness to change.

“Naniniwala rin ako na ang tunay na pagsisisi ay hindi lang nasusukat paghingi ng tawad. Nasusukat ito sa pagbabago. Kapag totoong nagsisi ka, sisikapin mong huwag nang maulit ang pagkakamaling iyon. At sa loob ng mahigit tatlong taon, ginawa ko ang lahat para patunayan iyon,” she said. 

As part of rebuilding her life, Awra returned to school and eventually completed senior high school.

“Mahigit isang taon ang ginugol para unti-unting makabangon. Isa sa pinakamalaking hakbang na ginawa ko ang bumalik sa pag-aaral para bumawi sa sarili ko at ayusin ang buhay ko,” she said.

However, she said even her graduation became an opportunity for some people to criticize her, particularly over her pronouns and the way they addressed her.

“Pero kahit ang pag-graduate kong Senior High School, may nasabi pa rin kayo. Hindi ninyo narinig ang kahit isang salita mula sa akin kahit sobrang nasaktan ako. Sa halip na maging masaya kayo para sa naabot ko, mas naging usapan pa ang pronouns ko — kung 'Sir' ba ako o 'he/him,'” she said. 

“Isama n’yo na rin ang pagtawag n’yo ng 'Bronny James' at kung anu-ano pang pangalan.”

She said it was particularly painful because her intention had always been to entertain people.

“Ang masakit, noong una, ang intensyon ko lang naman ay magpasaya ng tao. Pero ang bagay na minsang naging dahilan ng saya ng iba, ginawa n’yong paraan para bastusin at saktan ako.”

Awra said she has accepted how her family and those close to her see her and has never demanded that other people follow a particular way of addressing or viewing her.

“Sa totoo lang, wala naman akong pakialam kung ano ang itawag n’yo sa akin,” she said.

“Hindi ko kailanman ipinilit sa kahit sino kung paano n’yo ako dapat tawagin o kung paano n’yo ako dapat tingnan. Tanggap ako ng pamilya ko, tanggap ko ang sarili ko, at para sa akin, sapat na iyon.”

She said that she instead chose to focus on being true to herself and continuing her education.

“Kaya ipinagpatuloy ko lang ang pagiging totoo sa sarili ko at ang pagtutok sa pag-aaral.”

But after years of receiving what she described as bullying and attacks online, Awra decided to speak up.

“Hanggang sa dumating ang taong ito, sinabi ko sa sarili ko na hindi na ito ang taon na mananahimik lang ako habang araw-araw akong binu-bully. Hindi ko na rin maintindihan kung saan nanggagaling ang sobrang galit ng ibang tao sa akin.”

For years, she said she chose not to respond to hurtful comments. This year, however, she decided to defend herself.

“Sa loob ng ilang taon, pinili kong manahimik. Hindi ko pinatulan ang masasakit na salita, ang pambabastos, at ang panghuhusga. Pero ngayong taon, napag-desisyunan kong magsalita. Sinabi ko sa sarili ko na panahon na para tumayo para sa sarili ko.”

“Hindi lang dahil pagod na akong manahimik, kundi dahil pagod na rin akong panoorin na ibang tao pa ang laging nagtatanggol para sa akin.”

She admitted that constantly dealing with online criticism has taken an emotional toll.

“Doon nagsimula ang routine ko. Kapag may oras ako, sumasagot ako sa mga basher. May mga bina-block ako. At sa dami ng natatanggap kong pambabatikos araw-araw, kahit wala naman akong ginagawa, unti-unti akong nagkaroon ng trauma response.”

She said the constant criticism eventually affected how she interpreted what she read online.

“Dumating sa punto na halos lahat ng nababasa ko, iniisip kong pag-atake na agad sa akin. Dahil sa sobrang dami ng natanggap kong panghahamak sa loob ng maraming taon, naging automatic na ang depensa ko.”

“May mga pagkakataong bumababa ang kakayahan kong umintindi dahil mas nangingibabaw agad ang pakiramdam kailangan kong protektahan ang sarili ko.”

Awra also admitted that the prolonged criticism has left her emotionally exhausted, saying there were times when she felt like giving up.

“Nasasabi ko ang lahat ng ito dahil kailangan kong maging matapang para sa sarili ko. Kailangan kong aminin inyo na napapagod na rin ako. Maraming beses na akong umabot sa puntong gusto ko nang sumuko.”

She said she does not want to pretend that she is strong all the time.

“Ayokong mag-sinungaling at sabihin na malakas ako sa lahat ng oras. Ayokong mag-panggap na kaya ko pa ang lahat. Kasi ang totoo, sukong-suko na rin ako minsan. Nakakapagod na kahit anong gawin kong tama, may masasabi at masasabi pa rin ang iba.”

“Kahit anong pilit kong bumangon, pakiramdam ko lagi pa ring may magpapaalala sa akin ng pinakamasakit na bahagi ng buhay ko.”

Awra clarified that she is not asking people to forget what happened or agree with her. Instead, she hopes people will allow her to demonstrate who she has become after confronting her past.

“Hindi ko hinihingi na kalimutan n’yo ang nangyari. Hindi ko rin hinihingi na sang-ayunan n’yo ako. Ang hinihiling ko lang sana bigyan n’yo rin ako ng pagkakataong patuloy na ipakita ang taong pinili kong maging pagkatapos ng lahat ng iyon.”

She ended her message by appealing for people to recognize that individuals can learn and change after making mistakes.

“Dahil naniniwala akong ang isang tao ay hindi dapat habambuhay na husgahan sa pinakamasama niyang nagawa, kundi sa kung paano siya bumangon, natuto, at nagbago pagkatapos nito.”

RELATED: Awra Briguela opens up on gender transition, model inspo for rhinoplasty

AWRA BRIGUELA

BULLYING

CYBERBULLYING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with