Mga bawal sa gout
Ang pangunahing dapat iwasan kung mayroon kang gout ay ang mga pagkaing may mataas na purine at mga inuming nagpapataas ng uric acid sa katawan. Kapag nasobrahan sa purine, nag-iipon ang uric acid sa mga kasukasuan na siyang nagiging sanhi ng matinding pamamaga at pananakit.
Narito ang mga listahan ng mga bawal at dapat limitahan ayon sa mga eksperto:
Laman-loob o organ meats: Atay, bato, puso, balunbalunan, bituka, at bopis.
Pulang karne: Karne ng baka, baboy, tupa, at kambing.
Processed meat: Hotdog, sausage, ham, bacon, at longganisa.
Pagkaing-dagat (seafood) o shellfish: Hipon, alimango, alimasag, tahong, talaba, at pusit. Ilang uri ng isda: sardinas, bagoong, tamban (herring), tulingan (mackerel), at dilis (anchovies).
Matatamis at high-fructose syrup: Sari-saring softdrinks o inuming may mataas na asukal.
Artipisyal na juice: Mga de-latang juice at energy drinks.
Matatamis na pagkain: cake, ice cream, tsokolate, at mga pastries.
Alak, beer at yeast: Ang beer ay pinakamabilis magpataas ng uric acid dahil mataas ang purine content at pinipigilan ng alak ang paglalabas ng uric acid ng kidneys.
Matapang na alak: Gin, rum, vodka, at iba pang spirits.Yeast supplements: Mga pagkaing may taglay na yeast extracts.
Mga bawal na kilos at gawi, bukod sa pagkain, iwasan din ang mga sumusunod na maling ugali:
Huwag magpatuyo o iwas dehydration ng katawan: Ang kulang sa pag-inom ng tubig ay nagpapakapal ng uric acid sa dugo.
Huwag biglaang mag-diet nang marahas: Ang mabilisang pagpapayat o paggugutom (crash dieting) ay pansamantalang nagpapataas ng uric acid.
Huwag labis ang timbang dahil ang katabaan ay nagbibigay ng dagdag na pwersa sa mga kasukasuan at nagpapataas ng panganib ng gout flare-up.
Huwag itigil ang mga maintenance na gamot na nireseta ng doktor, lalo na kapag walang nararamdamang sakit.
Ituloy ang maintenance na gamot: Kung niresetahan ng mga gamot na pampababa ng uric acid (tulad ng Allopurinol o Febuxostat), inumin ito araw-araw ayon sa utos ng doktor. Huwag itong ititigil kahit walang nararamdamang sakit.
Magpatingin agad sa doktor (Rheumatologist, Nephrologist, Internal Medicine doctor) kung ito ang unang beses na umatake ang iyong gout, kung may kasamang mataas na lagnat at pangangatog (senyales ng posibleng impeksyon), o kung hindi nawawala ang sakit pagkatapos ng dalawang araw.
Bantayan ang inyong kidneys o creatinine lalo na kung meron kayong sakit sa kidneys at may gout din.
Ano ang mga Pwedeng Kainin?
Para maiwasan ang atake ng gout, mas mainam na piliin ang mga pagkaing mababa sa purine:
Gulay: Halos lahat ng gulay ay ligtas kainin.
Low-fat dairy products: Yogurt, skim milk, at low-fat cheese.
Tubig: Uminom ng 8 hanggang 12 baso ng tubig kada araw para maihi ang labis na uric acid.
Saging at Vitamin C: Tumutulong magpababa ng uric acid level.
Paunang Lunas Kapag Umaatake (Gout Attack)
Uminom ng gamot agad: Uminom ng mga anti-inflammatory na gamot tulad ng NSAIDs (hal. Ibuprofen o Naproxen) o Colchicine sa loob ng unang 24 oras ng atake. Huwag iinumin ang mga ito kung may sakit sa bato o ulcer at reseta ng doktor.
Mag-cold compress: Balutin ng tuwalya ang yelo at ipatong sa namamagang joint sa loob ng 15 hanggang 20 minuto upang mamanahid ang sakit.
Itaas ang apektadong bahagi: Itas ang paa o joint sa ibabaw ng unan (pantay o mas mataas sa puso) para mabawasan ang pamamaga.
Ipahinga ang joint: Iwasang kilusan o lagyan ng bigat ang sumasakit na bahagi. Gumamit ng tungkod kung kinakailangang maglakad.
- Latest




















