^

Metro

Wanted na South Korean, nadakip ng BI

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang puganteng South Korean na pinag­hahanap dahil sa mga kasong may kinalaman sa droga sa kanyang sariling bansa ang naaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) at iba pang law enforcement  agency sa Clark Freeport, Pampanga noong Hunyo 28.

Isinagawa ito ng BI sa pakikipagtulungan ng Philippine Air Force (PAF), ng Clark Development Corporation Public Safety Division, at ng mga awtoridad ng South Korea.

Kinilala ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado ang pugante na si Kim Soo, 41, na nahuli sa isang resort matapos ang pagbabahagi ng impormasyon sa pagitan ng mga awtoridad ng Pilipinas at South Korea.

Ayon sa BI, ang operasyon ay nag-ugat sa impormasyong ibinigay ng PAF, na nagresulta sa matagumpay na pagkatunton at pagkaaresto sa dayuhang pugante. Si Kim ay pinag­hahanap ng Cheongju District Court sa South Korea dahil sa umano’y paglabag sa Narcotics Control Act ng kanilang bansa.

Inakusahan ng mga awtoridad na nagpapatakbo siya ng isang Telegram-based na iskema sa pamamahagi ng droga, nag-aanunsyo at nagbebenta ng mga ilegal na narkotiko, kabilang ang cocaine at mga cartridge ng abaka, habang tumatanggap ng bayad sa pamamagitan ng cryptocurrency. Siya rin ay paksa ng isang aktibong Interpol Red Notice.

PAF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with