^

Punto Mo

Droga sa kalye ng PRO6, winawalis ni Gen. Tuaño!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

WALANG puknat ang pagkilos ng mga operatiba ni PRO6 director Brig. Gen. Randulf Tuaño para walisin ang droga sa mga kalye sa Western Visayas. Nitong nagdaang mga araw lang, aabot sa P17 milyong halaga ng droga ang nilimas ng mga tauhan ni Tuaño sa kanyang rehiyon. Sobrang sipag naman nitong mga bataan ni Tuaño, no mga kosa Bakit kaya May premyo Iginiit ni Tuaño na kaya s’ya itinalaga ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. ay upang magtrabaho. “Itong mga tagumpay ay nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng kapulisan na walisin ang supply ng droga at komunidad. Ang bawat matagumpay na operasyon ay nangangahulugang may madaming Pinoy ang naprotektahan at mas ligtas ang taumbayan,” ani Tuaño. Nagbanta rin si Tua? sa drug syndicates na sa Western Visayas, “a big no-no” ang kalakaran nila. “Siguraduhing kong mananagot kayo sa batas,” ani Tuaño. Dipugaaaaa! Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ang unang nadagit ng mga operatiba ng Regional Police Drug Enforcement Unit ay ang tatlong HVIs at nakumpiska ang aabot sa 2,055 gramo ng shabu na nagkakahalagang P13.97 milyon. Ang operation ay alinsunod sa intel report at sa paghahabol ng RPDEU ng mga pangunahing drug personalities, ani Tuaño. Ang Iloilo Provincial Police Office naman ay nagsagawa ng tatlong operation na nagresulta sa pagkaaresto ng pito katao, kabilang na ang dalawang HVIs. Nakumpiska sa kanila ang P3.16 halaga ng droga. Ang Capiz PPO naman ay nagkasa ng operation at nadagit ang isang street level pusher na nabawian ng P6,800 halaga ng droga. Teka, teka! Ang ibang probinsiya sa PRO6 Bokya? Ano ba ‘yan? Bawi na lang mga Sir’s! Get’s n’yo mga kosa Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Pinuri ni Tuaño ang matagumpay na operation ng anti-drug units ng PRO6. Ayon kay Tuaño, ang matagumpay na operation kontra droga ay bunga ng mahusay na koordinasyon ng intel at operating units, at mga lokal ng himpilan. Binigyan-diin din n’ya ang masugid na pakikipagtulungan ng komunidad sa kanilang kampanya. “Sa mga patuloy na nagkakalat ng droga sa rehiyon, simple lang ang aming mensahe: ihinto na n’yo ang illegal n’yong gawain habang hindi pa huli ang lahat,” ang pahayag ni Tuaño. “Kapag hindi kayo makikinig, mananagot kayo ayon sa rule of law,” ani PRO6 director. Buti na lang walang patayan sa ngayon, no mga kosa Mismooooo!

Nangako naman si Tuaño sa mga Bisaya, na ang kapulisan ay hindi nagpapahinga upang wakasan ang problema sa droga sa Western Visayas para sa kanilang kaligtasan. Bongga! Abangan!

ILLEGAL DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with