^

Punto Mo

Mga simpleng diskarte sa buhay

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Sa mga writer: Ang pag-inom ng alak nang katamtaman ay nakatutulong para lalong maging malikhain.

2. 10 pagkain na magaling tumunaw ng fats sa katawan: cinnamon, hot peppers, grapefruit, pakwan, kamote, itlog, kape, suka, gatas at beans.

3. Bago gamitin ang sponge na paulit-ulit nang nagamit, painitin mo to sa microwave ng 2 minutes. Napatunayang nakakamatay ito ng 99 percent germs.

4. Kailangan ang 3 oras na pagtakbo upang mabawasan ng one pound ang iyong timbang. O, kaya, tumakbo ng 27 minutes araw-araw, para mabawasan ng one pound ang iyong timbang per week.

5. Kapag ikaw ay inaantok at kailangan mong tanggalin ito dahil oras ng trabaho: Pigilin mo ang paghinga hangga’t kaya mo, then, biglang pakawalan ang hangin sa baga.

6. Ang paninigarilyo ay nagpapabagal ng natural healing ability ng iyong katawan. Sa bawat isang stick ng sigarilyo, dalawang linggo ang idinidelay ng paggaling mo.

7. Mas nagtatagal ang bango kung ang iispreyan ng perfume ay sa bandang batok malapit sa hairline. Kasi ang scent ay kakapit sa buhok kaysa balat lang.

8. Kapag may amoy ang plastic food container, lagyan ito ng pinaghalong baking soda at maligamgam na tubig, ibabad nang ilang oras, saka banlawan.

9. Kung nahihirapan kang tanggalin ang garapon na mahigpit ang takip, baligtarin ito at tapikin nang bahagya ang ilalim bago subukang buksan.

10. Para hindi magkabuhol-buhol ang mga baong kuwintas kapag nagta-travel, ipasok ang bawat isa sa straw bago isara ang clasp.

11. Maglagay ng kaunting asin sa loob ng sapatos na nabasa sa ulan. Makakatulong itong sumipsip ng moisture at mabawasan ang amoy.

12. Ilagay ang isang pirasong chalk o silica gel sa lalagyan ng mga kagamitan o alahas. Nakakatulong itong sumipsip ng moisture para hindi agad kalawangin.

13. Kapag gusto mong lumamig agad ang softdrinks o bottled water, balutin ito ng basang paper towel bago ilagay sa freezer. Sa loob ng 15–20 minuto, mas malamig na ito kaysa karaniwang pagpapalamig.

14. Para hindi mangitim agad ang hiniwang mansanas o peras, pahiran ito ng kaunting lemon juice. Pinapabagal nito ang pag-brown ng prutas.

LIFE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with