Knights of Rizal: Jose Rizal kilalaning national hero
MANILA, Philippines — Nanawagan ang Knights of Rizal (KOR) sa Kongreso na magpasa ng batas na pormal na magdedeklara kay Jose P. Rizal bilang pambansang bayani ng Pilipinas.
Ayon kay KOR Supreme Commander SIR DR Emmanuel Calairo, kinikilala si Rizal bilang pambansang bayani sa pamamagitan ng kasaysayan at pagkilala ng publiko, ngunit wala pang partikular na batas na opisyal na nagbibigay sa kanya ng naturang titulo.
Kasabay ng paggunita sa ika-165 kaarawan ni Rizal, nagsagawa ang KOR ng wreath-laying ceremony sa Rizal Monument at inilunsad ang mga programang magpapalawak ng kaalaman ng kabataan tungkol sa buhay, mga akda at adhikain ng bayani.
- Latest




















