Quezon City LGU at Lalamove partner sa dagdag kabuhayan ng QCitizen
MANILA, Philippines — May dagdag na pangkabuhayan na hatid ang Lalamove Corporation para sa mga QCitizen sa pakikipag tulungan ng QC LGU matapos ang paglulunsad nito ng “Tuloy Biyahe Program: Tsuper Onboarding Roadshow”.
Ayon kay Lalamove Managing Dir. Djon Nacario, layon nitong bigyan ng pagkakataon ang mga driver ng QC at sa lahat ng driver na maging sarili nilang boss, at magkaroon ng dagdag na kita bilang accredited Partner Drivers.
Bukod sa driver onboarding, tampok din sa naturang roadshow ang vehicle loan lane sa pamamagitan ng Lalamove Automotive kung saan maging ang mga driver na walang sasakyan ay may pagkakataon ding maging accredited partner drivers.
Maari ring maging partner drivers sa pamamagitan ng ‘matching’ sa isang Lalamove-verified fleet operator na nangangailangan ng mga driver para sa kanilang rehistradong sasakyan.
Sa pamamagitan ng nasabing program, sinabi ni QC Mayor Joy Belmonte na umaasa siyang matutulungan din ang mga displaced PUJ drivers na naapektuhan ng modernization program.
Una na ring lumarga ang programang ito sa Northern at Central Luzon na nasa 2,000 ang naactivate na partner drivers habang dito sa Metro Manila, bukod sa QC ay target din na magkaroon ng programa sa Valenzuela at San Juan City
Dagdag ni Nacario na dahil Bermonths na at tumataas na ang demand ay handa silang doblehin o gawing triple ang bilang ng mga driver na papasakop sa programa.
- Latest