^

Metro

Belmonte, mga kaalyado sa Quezon City naghain ng COC

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Belmonte, mga kaalyado sa Quezon City naghain ng COC
Maagang naghain ng certificate of candidacy (COC) si Quezon City Councilor Mikey Belmonte (kaliwa) na sinamahan ng kanyang amang si Philippine Star President and CEO Miguel Belmonte sa Amoranto Sports Complex kahapon habang sabay rin na nag-file ng COC sina (kanang larawan) QC Mayor Joy Belmonte na suportado ng kanyang amang si dating Speaker Sonny Belmonte, at Vice Mayor Gian Sotto na sinamahan naman ni dating Senate President Tito Sotto III, para sa kanilang re-election bid sa 2025 elections.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — “Higit na palalakasin ang mga premyadong programa tulad ng social services, health, education at shelter kapag pinalad na maging alkalde muli ng Quezon City sa darating na May 12 election sa susunod na taon.”

Ito ang sinabi ni Mayor Joy Belmonte kasabay ng kanyang paghahain ng certificate of candidacy (COC) pasado ala-1 ng hapon kahapon sa Amoranto Sports Complex, Quezon City para sa muling pagtakbo nito bilang alkalde ng lungsod.

Sa tanong ng media kung anong masasabi nito na “unbeatable” siya at walang lalaban sa kanya, sinabi ni Belmonte na unang araw pa lang naman ng filing at hindi pa alam kung talagang walang makakalaban sa mayoral race.

Si Mayor Joy ay sinamahan ng kanyang ama na si dating Speaker at dating QC Mayor Sonny Belmonte, Kit Belmonte at iba pang kapamilya sa kanyang paghahain ng COC.

Kasabay ni Mayor Belmonte na nag-file ng COC sina QC Vice Mayor Gian Sotto para sa kanyang re-election bid.

Sinabi ni Vice Mayor Sotto, ang mga programang pangpamilya ang prayoridad na ipatutupad kapag nasungkit ulit nito ang puwesto sa halalan.

Kabilang pa sa mga nag-file ng kandidatura sa pagkakonsehal ang mga kaalyado ni Mayor Belmonte na sina City Councilors Charm Ferrer, TJ Calalay, Bernard Herrera, Gabriel Atayde, at Majority floor leader Doray Delarmente mula sa District 1.

Mula sa District 2, sina City Councilor Fernando Michael “Mikey” Belmonte at Candy Medina  at sa District  3 ay si  City Councilor Gelyn Ge Lumbad, Wency Lagumbay at baguhang nais pumasok sa pagkakonsehal sa District 3 na si Chackie Antonio.

Nagsampa rin bilang re-electionist sa District 4 sina Councilors Nanet Daza, Irene Belmonte at Egay Yap, habang sa District 5 sina Councilors Alfred Vargas at Aiko Melendez, at tatakbo ring konsehal ang artistang si Enzo Pineda.

vuukle comment

CANDIDACY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with