^

Bansa

Mga kasong isasampa vs Guo walang piyansa – PAOCC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Mga kasong isasampa vs Guo walang piyansa � PAOCC
In this Facebook post on May 31, 2024 shows Mayor Alice Guo with senior citizens of Bamban, Tarlac.
Facebook / Mayor Alice Leal Guo

MANILA, Philippines — Walang piyansa ang mga kasong isasampa nila laban kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Department of Justice sa susunod na linggo bunsod ng pagkakasangkot nito sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Sa ginanap na Saturday News Forum, sinabi ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesperson Winston John Casio, magko-convene ang inter-agency body kung saan pagpapasyahan at tatapusin ang mga kasong isasampa laban kay Guo na karamihan dito ay non-bailable cases.

“Hayaan nyo na lang sa Friday pag-file namin. Hayaan nyo na lang mabigla kung gaano karaming counts. Basta marami,” ani Casio.

Hanggang sa ngayon, kuwestiyonable pa rin ang pagkatao at citizenship ni Guo.

Ayon kay Casio, nakakuha sila ng maraming dokumento na may pangalan at pirma ni Guo sa isang POGO hub sa compound na dati nitong pagmamay-ari.

Una nang pinatawan ng anim na buwang suspensiyon ng Office of the Ombudsman nitong Mayo 31 sina Edwin Ocampo, business permit and licensing officer at municipal legal officer Adenn Sigua kasunod ng administrative complaints ng Department of the Interior and Local Government sa kasong grave misconduct, serious dishonesty, gross neglect of duty at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Samantala, sinabi naman ni Casio na hind nila kinokonsidera na person of interest si dating Palace spokesperson Harry Roque sa imbestigasyon ng POGO operations sa Lucky South 99 sa Porac.

Matatandaang ilang letter head at sulat ang nakita sa raid na pirmado ni Roque.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with