^

Punto Mo

Alyas ‘Dillinger’, protektor ng jueteng ni Kap Nemo!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

IPINAGMAMALAKI ng jueteng operator ng Albay na si Kap Nemo na hindi kayang buwagin ng pulisya ang illegal na negosyo n’ya dahil sa padrino n’yang si alyas “Dillinger”. Purbidang yawaahhhhh! Sinabi pa ni Kap Nemo na itong si Dillinger ay codename ng opisyal ng PRO5 at sa kanya dumadaan ang milyones na weekly payola n’ya. Wow, sarap-sarap! Dapat alamin ni PRO5 director Brig. Gen. Erosito Miranda kung sino itong si Dillinger at baka mabukulan s’ya. Araguyyyyyy! Ang mahal pa naman ng helmet sa ngayon. Si Miranda ay magreretiro na sa Agosto 27 subalit hindi pa n’ya kinukumpas ang kamay na bakal n’ya laban sa jueteng ni Kap Nemo. Dipugaaaaa! Totoo kaya na itong si Miranda ay sagradong bata ni Interior Secretary Jonvic Remulla? Tsk tsk tsk! Kaya pala! Produkto pala ng “outside forces” itong si Miranda. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

 Humahangos naman na nag-report ang kosa kong si Solrac na ibinalik nina Kap Nemo at Archie Mercado ang dating bangka nila na si Ayo Intal. Matatandaan na initsa-puwera nina Kap Nemo at Archie si Intal, na dati nilang tinakbuhan ng P7 milyon na bond money. Pinalitan ni Intal si Kap Virtucio na tinakbuhan din nina Kap Nemo at Archie ng aabot sa P13 milyon na kita sa loob ng 19 days na operation. Tsk tsk tsk! Ang kapal talaga ng pagmumukha ni Kap Nemo at Archie, no mga kosa? Kaya’t hindi nakapagtataka na naa-ambush itong si Kap Nemo at mabuti na lang ay may ala-pusa ang buhay n’ya. Mismooooo! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Humahangos naman na tumawag si kosang Solrac kahapon at sinabing sa magkasunod na bola nitong weekend, abayyyyy tinamaan si Intal ng milyones. At sa kasamaang palad, hindi na ito nakapagbayad. May suspetsa kasi si Intal na nadugas na naman s’ya nina Kap Nemo at Archie. Ano pa nga ba? At ang bagong development sa kaharian ni Dillinger este ni Gen. Miranda ay may kinuha na namang bangka sina Kap Nemo at Archie na taga-Marikina, na dating bata ni Bolok Santos. Dipugaaaaa! Mahilig pala mag-jogging itong si Kap Nemo at panay takbo n’ya. Ang maganda lang, milyones ang laman ng bulsa n’ya kada takbo n’ya. Buwenas ni Kap Nemo at Archie, no mga kosa? Kaya dapat magsaya sila habang hindi pa nagreretiro si Miranda. Abangan!

ILLEGAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with