^

Punto Mo

SONA ni PBBM napuno ng pangako at babala

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

BINUKSAN ni PBBM ang talumpati nito sa kanyang SONA 2026 hinggil sa anomalya sa ghost projects at may babala kay dating house Speaker Martin Romualdez na may pananagutan ito sa batas sakaling mapatunayang sangkot ito sa naganap na bilyones na halaga ng ghost projects. Ipinagdiinan nito na hindi raw siya presidente ng pamilya at kapartido nito kundi ng buong Pilipinas. Lagot!

Nagtayuan din at nagpalakpakan ang mga nakikinig nang sabihin nito na hindi na babalikatin ng lehitimong subscribers ng Meralco ang ‘‘systems loss’’ charges na matagal nang sinisingil sa mamamayan na ang dahilan ay ang kuryenteng ninanakaw ng mga illegal connections/jumpers o direct tapping na ginagawa rin ng mga buhong na malalaking negosyante.

Hindi masisisi ang Meralco sa paniningil ng systems loss dahil nakapaloob ito sa EPIRA Law sa ilalim ng Republic Act  9136 na isinabatas noong 2001.

Sa ilalim naman ng Republic Act 7832 ay itinuturing itong economic sabotage na may katapat na multang P100.000 at pagkakakulong nang 6 hanggang 12 taon ang ginagawang ito ng mga walanghiyang residente at business establishments ang kahayupang meter tampering at illegal (jumper) connections at flying connections.

May mga nahuli at napanagot na lalo na sa lugar ng mga illegal settlers na talamak ang nakawan ng kuryenye pero nakakapagtaka namang walang alam ang mga tauhan ng barangay sa ganitong kalakaran.

Kawawa rin ang mga nagpapaupa ng bahay kung ang umuupa ay gumagawa ng illegal na koneksyon ng kuryente para gawing mabagal ang rehistro ng kilowatt na nakunsumo. Ang rehistradong may-ari ng bahay at metro ng kuryente ang nananagutan sa meralco. Kawawa naman.

Hindi na rin pagbabayarin ng income tax ang mga manggagawang sumasahod lamang ng mas mababa sa P30K kada buwan. Huwag naman sanang magpalista pa sa ayuda.

SONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with