^

Punto Mo

Untouchable ‘paihi’sa Quezon, binulaga ni Gen. Baccay!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

NAGPAKITANG gilas kaagad si PRO4-A director Brig. Gen. Dominic Baccay at sinalakay ang “untouchable” na “paihi” operation sa Quezon province, inaresto ang 13 katao at kinumpiska ang petroleum products na nagkakahalagang P16.29 milyon. Ang ‘paihi” operation ay mini-maintain ng isang alyas Ricky, samantalang ang lote ay pag-aari ng isang Rene Hermoso, ayon kay Baccay. Ang raid na isinagawa ng mga tauhan ni Baccay sa Torio Compound, Bgy. Sialangang Mayao, Lucena City ay upang tuldukan na ang “paihi” operation sa Calabarzon area, at upang pigilan na ang pag-sabotahe nito sa ekonomiya ng Pinas. Mismoooooo! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ayon kay Baccay, ang raid ay bunga sa isang linggong surveillance at case build-up ng Calabarzon intel at RSOG, na gumamit pa ng drone upang makita ang “paihi” o pasingan ng LPG products sa lugar. “Magdamag at maghapong binabantayan ng tropa ang compound at nakita na may pumapasok na mga tanker sa loob sa Lucena pero ito ay nagmula sa depot sa Sariaya, Quezon,” ani Baccay. “So inantay natin na makapasok ‘yung mga tanker, na may kasamang cannister at basyo ng LPG at saka natin pinasok ang compound,” ang dagdag pa ni Baccay. Purbidang yawaahhhhh! Sinabi pa ni Baccay na naaktuhan nila ang 13 na drivers, at pahinante na mismong nagsasalin ng petroleum products sa mga cannisters. Araguyyyyy!

Ang mga petroleum products ay galing sa oil depots sa Sariaya, Quezon at dinadaan sa compound para bawasan ang karga ng limang container. Pinapalitan ito ng lima ding container ng methanol para hindi mahalata sa mga gas stations o small players na deliberan ng mga tanker. Ang driver ay binabayaran ng P2,500 kada container. Hehehe! Paldo ang mga lokong drivers, no mga kosa?

Narekuber ng mga tauhan ni Baccay ang tatlong tanker trucks, dalawang Isuzu-Elf trucks, isang Mitsubishi Fuso truck na naglalaman ng 10,000 liters of LPG, libu-libong litro ng diesel fuel, 285 iba’t-ibang LPG cylinders chemical at hydraulic hoses, diesel water pumps, at iba pang kagamitan sa “paihi.”  Dipugaaaaa!

Magsisilbing masamang senyales sa iba pang “paihi” operations itong raid ni Baccay sa “untouchable” na pasingaw. Hala bira, Gen. Baccay Sir! Abangan!

PAIHI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with