^

PSN Showbiz

Alden, nagpaliwanag sa pagsigaw sa MOA!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Alden, nagpaliwanag sa pagsigaw sa MOA!
Alden Richards

Na-interview sa 24 Oras si Alden Ri­chards at natanong ni Nelson Canlas kung ‘di ba siya apektado sa bashing (ilan lang naman) na nakuha dahil sa ‘galit’ hosting style niya sa katatapos na 2024 Miss Universe Philippines Coronation Night. Hindi nga siya apektado at nakangiti pa nga.

Kinu-compile raw niya ang mga hosting gig niya at kasama na ang pagiging host ng Miss Universe Phillipines. Paliwanag nito, kinailangan niyang sumigaw dahil maingay sa MOA. Nagsisigawan ang supporters ng mga candidate at kung mahina nga naman ang boses niya, hindi siya maririnig.

Sa ingay na dala nitong paghu-host niya ng MUPH for the second time, siguradong siya uli ang kukunin ng franchise holder nitong Empire Philippines Holdings, Inc., na mag-host next year. Aabangan uli kung paano siya mag-host.

And speaking of Alden, worth P2.6 million pala ang Rolex Day Date 40, wristwatch na suot nito sa kanyang pagho-host.

Hindi pa napepresyuhan ang isa pang relos na suot niya na isang Patek Philippe na itinerno niya sa white tuxedo.

Yasmien, may dalagita na

Flinex ni Yasmien Kurdi ang panganay nila ng asawang si Rey Soldevilla, Jr., na si Ayesha na dalagita na and pretty. Pinost nito ang photos ng anak na naka-party getup at parang ipinakilala nito sa followers niya sa Instagram.

“Ayesha Zara looking Ethereal tonight for her Batch Party. Her look was conceptualized by Ayesha herself, inspired by a butterfly – glowing and free. Her designer used delicate iridescent organz to exude an ethereal feel, and a fairy silhouette fit to express her youthfulness.”

Eleven years old na si Ayesha and after 11 years lang siya nasundan. Ang cute ng baby sister nitong si Raya na lalaki ring maganda gaya ng ate niya.

Nakakatuwa sina Yasmien at Rey, pine-pressure na magsalita na ang baby nila wala pa mang one month.

Rayver at Liezel, minumura!

Parang magkakaroon ng extension ang Asawa ng Asawa Ko dahil maganda ang ratings at ping-uusapan. Involved ang viewers sa nangyayari sa mga karakter ng series at malalaman kung hit ang isang series kung nagagalit ang viewers sa kontrabida.

Sa Asawa ng Asawa Ko, galit at naha-high blood ang viewers kay Liezel Lopez at namumura na rin si Rayver Cruz dahil weak husband daw ang karakter. Dumarami tuloy ang nagsi-ship kina Jasmine Curtis-Smith at Joem Bascon at wish nila, ang dalawa ang endgame sa pagtatapos ng series.

Nagkaroon pala ng specialized acting workshop ang cast ng series under Ana Feleo at ang dating nito sa viewers, mae-extend nga ang series. May naniniwala namang para sa mas intense scenes to come ang acting workshop.

vuukle comment

ACTOR

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with