^

Pang Movies

HLA, uumpisahan na

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
HLA, uumpisahan na
Kathryn Bernardo at Alden Richards
STAR/File

Ayun lumabas na rin ang official announcement, ang pelikulang pagsososyohan ng Star Cinema ng ABS-CBN at ng GMA Films ay iyong part 2 ng Hello, Love, Goodbye na ang bida ay sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Maganda nga namang project iyan dahil noong part one ay kumita ng halos isang bilyong piso.

Nang hiramin ng Star Cinema si Alden para gumawa ng pelikula pinahiram ng GMA after all mabuti nga at magkakaroon ng project iyon eh sila naman hindi gumagawa ng pelikula noong panahong iyon. Pero biglang naging smash hit ang pelikula. Nilampasan pa ang kita ng pelikula ng KathNiel.

Ngayon kung gagawin nga ang part 2 ng pelikula ipapahiram lang ba basta ng GMA si Alden? Siyempre hindi na, kailangan kasosyo na sila.

Pero malaking advantage rin naman iyon para sa Star Cinema. Kung kasosyo nila ang GMA 7, matindi ang promo nila.

Ngayon tiyak na mas malaking hit pa iyang part 2 ng lalo na nababalitang totohanan ding nanliligaw ngayon si Alden kay Kathryn.

Pag-‘live in’ nina Andrea at Ricci, nahukay!

Hindi iyon isang bagong video. Lumang video na iyon na nilalabas naman sa social media ngayon. Diretsahang tinanong ni Boy Abunda si Ricci Rivero kung nag-live in ba sila ni Andrea Brillantes. Ang sagot ni Ricci hindi naman daw siguro masasabing ganoon dahil ang gusto ng ermat ni Andrea ay umuuwi pa rin siya sa bahay nila.

Pero inamin niya na may mga panahong sa condo niya natutulog si Andrea at may pagkakataon namang siya ay natutulog sa bahay ng aktres.

Sa lumalabas na ganyan ano ba ang masasabing nawawala kay Ricci? Natural wala, at sasabihin pa ng mga tao na kaya naman pala si Andrea ang bumili ng mga kasangkapan sa condo ni Ricci ay dahil doon siya natutulog eh.

May magtatanong pa sa kanya ngayon, doon ka pala natutulog “bakit hindi mo naasikaso ang sinasabi mong maruruming damit ni Ricci na hindi madala sa laundry”?

Eh sa himig ng kuwento nila pareho, masasabi mong mas madalas na natutulog si Andrea sa bahay ni Ricci kaysa sa pagtulog ng cager sa bahay niya eh.

Male starlet, ibinahay na ng baklang pulitiko!

Ay ibang klase rin ang isang male starlet na lumalabas sa gay films.

Ang balita may relasyon pala siya ngayon sa isang sikat na politician na gay. Mukhang siya na ang nakatira sa isang upscale na condo na malapit sa isang   mall na dating tinirahan din ng isang male star na apple of the eye noon ng gay politician.

Mukha kasing pinagsawaan na rin ng gay millionaire realtor ang male starlet dahil sa totoo lang daw “mini version” lang iyon. Pero pogi naman kasi talaga kaya pinag-interesan ng gay politician.

Ang layo na ng narating ng male starlet, noong araw idine-date lang siya ng mga bading sa isang hindi naman upscale na motel.

vuukle comment

ABS-CBN

ALDEN RICHARDS

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with