^

Pang Movies

Willie Revillame, nainip sa ALLTV at PTV

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Willie Revillame, nainip sa ALLTV at PTV
Willie Revillame.
STAR/ File

Ang pagiging impatient daw talaga ni Willie Revillame ang dahilan kaya hindi ito natuloy sa PTV 4 and  ALLTV.

Hindi raw ito handang maghintay. Lagi diumanong nagmamadali.

Pagkatapos ng ilang buwang pagkaantala, hindi na raw ito nagtiyaga sa ALLTV. Ginagawa na raw noon ang studio na gagamitin pero ‘di na nakahintay, nagpa-release na ito.

Maaalalang umalis ito sa ALLTV at nakipag-negotiate sa PTV 4 at other government channels. Pero nainip din diumano kaya lumipat ng TV5.

Ngayon nga raw, eere na sa TV5 ang programa nito this July.

Samantala, ayon sa narinig kong usap-usapan, nakapagbenta na ito ng iba’t ibang mga ari-arian.

TVJ, naka-isang taon na sa paglayas sa GMA!

Ang bilis talaga ng panahon,

Naka-one year na pala agad kahapon nung bumitiw sina Tito, Vic and Joey sa GMA 7.

Windang noon ang buong bayan dahil nagpaalalam sila sa ere, sa Eat Bulaga matapos mag-take over ang bagong management ng TAPE Inc.

Itinuring ‘yung katapusan ng isang era sa mundo ng telebisyon.

Marami na ang naganap sa loob ng isang taong ‘yun.

Nagkaroon ng kapalit ang Eat Bulaga at nagkademandahan. Nabawi ng TVJ at ngayon nga, nasa GMA na ang It’s Showtime na dating matin­ding kalaban ng Eat Bulaga.

Eddie Garcia law, pakikinabangan ng movie at TV workers!

Kabilang si Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. sa mga natuwa matapos ang pagsasabatas ng Republic Act No. 11996 o ang Eddie Garcia Law na layong protektahan ang kapakanan ng mga manggagawa mula sa industriya ng pelikula at telebisyon kung saan isa siya sa may akda ng naturang batas.

Maraming umaasa na magiging maganda ang epekto nito sa manggagawa ng pelikulang Tagalog na malungkot talaga sa kasalukuyan ang kalagayan. “Sa wakas ay tuluyan nang naging batas itong itinulak nating panukala para sa sa kapakanan ng ating mga kasamahang manggagawa sa industriya ng pelikula at telebisyon. Nagpapasalamat tayo kay President Ferdinand Bongbong Marcos Jr. for enacting this law. Sobra akong nagagalak! We fought long and hard for the passage of this measure. This is a victory for our our workers and the industry,” paliwanag ni Sen. Bong.

“Mula noon ay lagi ko na ngang sinasabi, sa industriyang ito na ako isinilang at dito na ako nagkamuwang. Utang ko po sa industriya, sa mga manggagawa, at sa publiko kung nasaan ako ngayon. This is one way of giving back,” dagdag pa nito.

“Malaking trahedya man ang pagpanaw ng isang Eddie Garcia, maganda naman na nagbunga ito sa higit na proteksyon para sa mga artista at manggagawa ng industriya,” dugtong pa ni Revilla.

Tinitiyak ng Eddie Garcia Law na ang mga manggagawa sa pelikula at telebisyon ay mabibigyan ng proteksyon ng kanilang mga employer sa lugar ng kanilang pinagtatrabahuhan. Nakasaad din dito na dapat ay ipatupad ng employer ang tamang oras ng isang ordinaryong nagtatrabaho at maging ang tamang pasahod at kaukulang benepisyo tulad ng social security at iba pang benepisyo, basic necessity, health and safety, working conditions and standards, at insurance para sa manggagawa.

“Tito Eddie, this is for you and our friends and family in the industry. Maraming-maraming salamat for inspiring us to fight for this,” pagwawakas pa ni Revilla.

Belle at Morissette, may sorpresa sa kanilang birthday celeb!

Simulan ang buwan ng Hunyo nang may kasiyahan kasama sina Belle Mariano at Morissette Amon na magdiriwang ng kanilang mga kaarawan at maghahatid ng bonggang song and dance number ngayong Linggo (Hunyo 2) sa ASAP Natin ‘To sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Kasama sa paghahanda sa upcoming birthday concert na Believe, handog ni Belle ang nakakamanghang performance ng kanyang original song na Somber and Solemn kasama ang A-Team. Regalo naman ni Morissette sa fans ang kanyang rendition ng Release Me kasama ang G-Force.

Saksihan ang mga nakaka-excite na performance ng OPM viral hits kasama ang rising Filipina artist na si Denise Julia, na kakanta ng kanyang original song na B.A.D., at pop band na si Lola Amour, na hatid ang kanilang TikTok famous song na Raining In Manila.

Makisama sa dance party kasama ang mga New Gen artist na sina Darren Espanto, Sheena Belar­mino, Gela Atayde, Alexa, AC, Joao Constancia, Anji, Jeremy, Krystal Brimner, Race Matias, maging ang mga Pinoy Pride dance champion na Fresno Style PH, AJ Crew, The Peepz, Legit Status, at MNVRS Ignite.

Samantala, ipapakilala naman ang The Voice Teens Season 3 Grand Champion na si Jillian Pamat bilang pinakabagong Kapamilya Champion sa ASAP, kasama ang iba pang mga singing champion na sina Jona, Klarisse, Yeng, Jason, JM Yosures, JM Dela Cerna, Sam Mangubat, Khimo Gumatay, Bugoy Drilon, Lyka Estrella, Fana, Katrina Velarde, Lara Maigue, at Marielle Montellano.

Sari-sari pang tugtugan at kantahan ang aabangan mula sa mga singing diva na sina Regine, Zsa Zsa, Bituin, Nina, at Frenchie na hatid ang Cyndi Lauper hits, Sanib-pwersa rin sina Martin Nievera, KZ Tandingan, at Yeng sa kanilang rendition ng Heaven Knows ng Orange and Lemons. Subaybayan rin ang mga David Gates at Bread hits na hatid nina Gary, Regine, Ogie, Zsa Zsa, Erik, Sheryn Regis, at Janella.

Makakasama rin ng Kapamilya guests at artists ang hosts na sina Robi Domingo at Janine Gutierrez.                 

WILLIE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with