^

Pang Movies

Nanay ni Sarah, nag-react sa panggagaya raw ni Barbie!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Nanay ni Sarah, nag-react sa panggagaya raw ni Barbie!
Barbie Imperial.
STAR/ File

Nag-react ang nanay ng aktres na si Sarah Lahbati sa tila panggagaya raw ni Barbie Imperial, na sinasabing bagong karelasyon ng ex-hubby ng kanyang anak na si Richard Gutierrez.

Sa post ni Sarah ng kanilang mga litrato sa birthday celebration ng panganay nila ni Richard na si Zion, nagkomento ang isang netizen ng “Parang ginaya ni barbie si sarah sa white dress nya at pati yung culinary. Pero syempre sarah pa din maganda.”

Na sinagot naman ng nanay nitong si Esther Lahbati ng tatlong laughing emojis.

Nag-usap kasi roon ang mga tagahanga ng ex-wife ni Richard na tila ginagaya ni Barbie ang mga ginagawa ni Sarah at maging ang pananamit at kilos nito.

Si Barbie nga ang sinasabing bagong girlfriend ni Richard matapos silang makita sa iba’t ibang lugar na magkasama gaya ng Amanpulo kung saan sobrang conscious daw ng aktres at nang kumalat ang litrato nilang magkasama sa South Korea.

At kamakailan lamang ay tila isang soft launch ang ipinost ni Barbie kung saan kasama niya ang isang lalake sa kanyang background sa isang gym na tingin ng netizens ay si Richard dahil medyo malayo ito.

Inamin naman ni Sarah ang hiwalayan nila at sinabi nitong single na siya kaya malaya na sila parehong makipag-date sa iba.

Pero ang fans niya ay ayaw tantanan si Barbie na patuloy na nilalait at kinukumpara pa silang dalawa.

vuukle comment

BARBIE

RICHARD

SARAH LAHBATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with