^

Pang Movies

Sikat na young actor, consistent salaula!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Wala pa ring ipinagbago ang isang sikat na young actor pagdating sa pagiging maayos sa katawan.

Sa tuwing merong taping o shooting ang young actor, asahan ang pagiging burara niya sa gamit. Humihinga na lang nang malalim ang kanyang assistant na lagi niyang kasama sa kuwarto kapag nakikitang nakakalat ang halos lahat ng gamit niya!

Tapos, pagdating sa ginagamit sa shooting, lahat ng baso, halos ginagamit niya para inuman at basta na lang iniiwan ito sa isang tabi matapos gamitin!

Kaya kung may makitang maraming baso na nagkalat, halos sampu sa mga baso ay kanyang nainuman!

Noon pa man daw eh salaula na ang young actor at kahit ilang beses pagsabihan eh lagi niyang ginagawa ang nakaugaliang hindi maganda at malinis!

Kyline, ‘di pinansin ni Andres!

Matapos maglabas ng make-up challenge ng emosyon si Kyline Alcantara sa kanyang Instagram stories kaugnay ng mga binibintang sa kanya, aba, nabuhay muli ang isyu sa kanila ni Kobe Paras!

Siyempre, inggit ang ibang girls kay Kyline lalo na’t guwapo na eh super tangkad pa ng anak ni Benjie Paras!

Puwedeng ipalit si Kobe kay Mavy Legaspi na nakarelasyon ni Kyline! Eh mukhang hindi na yata nasundan ang tsismis na umano’y nag-date sina Kyline at Andres Muhlach, huh! 

vuukle comment

KYLINE ALCANTARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with