^

Pang Movies

Dominic, nanggulat

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pang-masa
Dominic, nanggulat
Dominic Roque.
STAR/ File

Hindi naman masasabing nag-reconcile na nga sina Bea Alonzo at Dominic Roque pero nakakagulat na nagsampa rin ng kasong cyber libel si Dominc dahil sa nakakasirang sinasabi diumano laban sa kanya sa isang vlog.

Dinalirot sa vlog ang sinasabing koneksiyon ni Dominic sa pinagbibintangan din nilang mga beking lover diumano noon. Iyon naman pala ay on the level ang lahat ng deals sa negosyo ni Dominic at lahat ay nasa ayos.

Wise rin si Dominic, hinayaan lang niya noong una na parang balewala lang ang lahat sa kanya. Noong dumating ang panahon na napatunayan niyang hindi totoo ang sinasabi diumano ng mga “mapagtitiwalaang sources” ng vlogger at saka siya nagsampa ng demanda. Eh hindi mo naman maidedemanda ang sinasabing “sources” ng mga vlogger dahil hindi naman nila sinasabi kung sino kaya ang nag-iipon ng demanda ay ang vlogger.

Eva, sinuwerte!

Kung nabastos man ang aktres na si Eva Darren sa FAMAS, mas maganda naman ang mangyaya­ring kasunod, sa Hulyo 7, hindi lamang siya isang presentor kundi siya ay kikilalaning icon ng Philippine Cinema ng The 7th Eddys ng SPEEd, ang Society of Philippine Entertainment Editors, na binubuo ng mga kilalang kritiko ng entertainment editors ng mga lehitimong diyaryo, tabloids at portals.

Mas napabuti pa siya dahil wala ngang makapagsasabing ang SPEEd ay nagkaroon ng anomalya minsan man sa kanilang pitong taong pagbibigay ng awards. Sa ngayon masasabi ngang ang EDDYS ang pinaka-prestihiyosong award-giving body sa local film industry.

Makakasama ni Eva na tatawaging Icon ng Eddys sina Gina Alajar, Nova Villa, Leo Martinez at Lito Lapid. Ang mga iyan ay may katangi-tanging kontribusyong nagawa sa local cinema. Kasabay nila, bibigyan din ng pagkilala ang yumaong director na si Carlo J Caparas dahil sa mga nagawa rin niya para sa industriya.

Pero napakasuwerte ni Eva dahil hindi lang siya presentor kundi kikilalanin siyang isa sa mga icon ng Philippine Cinema, tiyak na aakyat siya sa stage ng magarbong grand Marriot Hotel kung saan gaganapin ang gabi ng parangal at hindi niya kailangang bumili ng tickets na halagang limang libo para sa kanyang dinner at sa dinner din ng kanyang mga makakasama.

Isa pa, ang director ng show ay si Eric Quizon at buo ang kanyang production staff, mayroon siyang mga mahuhusay na talent coordinators na sinasamahan din ng mga miyembro ng SPEEd.

Ang gabi ng parangal ay mapapanood din sa AllTV Channel 2.

Iyan ang isa pang batayan basta ang isang awards night ay may kredibilidad nakakakuha ng sponsors iyan kaya nailalabas nila sa telebisyon. Kung isang award ay pipitsugin lang at nakakapagduda, wala talagang pumapasok na sponsors kaya hindi naipapalabas sa telebisyon.

KC, mag-isa pa rin ang pakiramdam

Damang-dama namin ang isang statement ni KC Concepcion sa kanyang social media page. Sabi niya “may ibang pamilya na ang mother ko. May sarili na rin namang pamilya ang father ko, kaya minsan ang pakiramdam ko nag-iisa na lang ako.”

Totoo iyan ganyan ang nagiging pakiramdam ng isang batang naiwan ng kanyang mga naghihiwalay na magulang, ganyan kasama ang bunga ng divorce.

Mabuti si KC at kahit na hindi siya naalagaan ng kanyang mga magulang na nagkahiwalay mayroon siyang lola na nakasama niya sa kanyang paglaki. Kaya kung mapapansin din ninyo mas nakuha ni KC ang magandang ugali ng kanyang lola, at pati na sa pag-aayos ay ganoon din.

Naging malawak din ang pang-unawa ni KC at tanggap niyang marami siyang kapatid na kahati lamang, dahil either iba ang nanay o iba ang tatay pero pinapahalagahan pa rin niya ang mga iyon bilang tunay na kapatid lalo na nga ang mga kapatid niya sa ama kung kanino siya mas close talaga.

Kaya kami tutol na tutol sa divorce dahil ang unang tatamaan diyan ang mga bata.

James, handa nang pakasalan si Issa!

Dahil 31 na rin naman siya noong birthday niya noong nakaraang buwan may balak na raw si James Reid na pakasalan na ang syota niyang si Issa Pressman.

Hindi na rin naman isang matinee idol ang tingin sa kanya ng fans. Napalitan ang kanyang image nang magbago siya ng diskarte sa kanyang career at mahiwalay sa dati niyang screen partner at ka-live in na si Nadine Lustre.

Si Nadine pumasok na rin sa mas matured na image at nakalusot naman hindi lamang siya nanalo ng acting awards, nagkaroon pa siya ng pelikulang naging top grosser sa Metro Manila Film Festival.

Samantalang si James ay parang hindi kumikilos ang career sa ngayon ganundin ang syota niyang si Issa Pressman.

vuukle comment

DOMINIC

ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with