^

Entertainment

‘Biyahe, He, He, He!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
âBiyahe, He, He, He!â
Dalawa lagi ang importante pag ang Dabarkads ay nasa biyahe — ang kumain… at maghanap ng makakainan! Standing, from left: Wally, Alden, Sheila, Anjo, Jeny, Jimmy, Lord, Helen, Grace, Josie and Florie; (seated, from left) Malou, Poochie, Allan, Pauleen, Vic, Joey, Eileen, Mads and Tony Tuviera

Sa paulit-ulit na ginagawa daily,

Ano gamot nang ‘di nagiging ordinary?

TRAVEL!  Traverse a Routine and Add Variety

To Everyday Life! ‘Yan nama’y according to me!

 

Pagkat sa viaje rin may mga pangyayari

Na kapupulutan mo rin ng hilarity!

Malimit ng problema sa pag-iintindi

Dahil pagkakaiba sa mga lengwahe!

 

Tulad minsan nang Eat Bulaga ay bumyahe,

Sa Hongkong lang naman para break lang ay quickie!

Minsan nang kami ni Eileen ay namimili,

He, he, he… narito ang buong pangyayari…

 

May binebentang mga T-shirts sa UNIQLO

Na tungkol sa sining na may pagka-moderno,

Tulad kay Warhol, Haring at kung sino-sino,

Si Jean-Michel Basquiat ang aking paborito!

 

Siya’y isang pintor sa mga kanto-kanto,

Pero sa NUYOK sa East Village at sa SoHo!

‘Yun bang graffiti art but nagdra-drugs din ito

Kaya ayun, from museo to musoleo!

 

Ngunit type ko lang naman ay ‘yung T-shirt nito

At ‘di naman gaano sa kanyang trabaho,

Kumbaga sa katagalan ng paghanap ko

Nung T-shirt na mailap naging obsessed ako!

 

Kahit saan pang bansa na merong UNIQLO,

Itong T-shirt ni Basquiat ang hinahanap ko!

Maraming taon na ring no luck Ang Poet N’yo,

Hanggang nung May 21 nasa Hongkong ako!

 

Nang makita UNIQLO na maraming bago,

Nilapitan agad isang saleslady dito,

“Do you now have a Basquiat?” ‘yun agad tanong ko,

Ngumiti ang local girl at agad tumakbo!

 

Naturalmente excited ang lingkod ninyo,

Dahil reaksyon ng babae’y positibo!

At sa wakas magkaka-Basquiat na rin ako

Ngek! Pagbalik ng girl may dalang BASKET ito!

 

Op kors hindi naman uminit aking ulo,

Bagkus sa nangyari nangiti pa nga ako,

‘Yang mga ganyan tinuturing ngang regalo,

Dagdag-aliw at halakhak sa mga kwento!

 

Subalit alam n’yo bang ang brand na “UNIQLO”

Galing sa “Unique Clothing” or in short UNI-CLO?

Ngunit nung tinatrabaho na ang rehistro,

Nagkagulo-gulo! Nabasa ang C na Q!

 

Wow, Mali! But business lalong naging WOW naman!

Talagang swertehan din ang pagpapangalan!

May ‘di akalain at sinasadya minsan,

Tulad “EAT” sa BULAGA… aking natsambahan!

BIYAHE

TRAVEL

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with