‘Kung saging may piling, itlog din may feelings!’
First of all, Happy Easter to eggs and everyone!
Linggo ng Pagkabuhay ating ipagdiwang!
At syempre lagi na lang tanong taon-taon —
Bakit nga ba ITLOG ang bida in this occasion?
Actually ‘di lang s’ya kundi pati rin RABBIT!
Ang mga istariray pag Easter sumapit!
Well, kung gusto talagang malaman kung bakit,
Egg-google na lang kuneho kayo maka-wait!
But wait, bago kayo magtampo at magalit,
Tigilan n’yo muna ‘yung sa itlog…in short, beat it!
Sa ibang tsirit naman tayo mag-concentrate,
Subalit si Itlog special guest pa rin sa script!
Isang araw nag-usap si SAGING at TALONG,
Hinanakit nila ay kung bakit ganoon —
Ramdam sa kanila tao’y nababastusan,
Nagsisigaw si ITLOG, “Tigilan n’yo nga ‘yan!”
Sabi ni EGG kay EGGPLANT, “Ikaw lalo ka na,
‘Wag kang tatanga-tanga! Tama na ‘yang drama!
Stop it! Bastos ba ‘yung pag tayo’y pinagsama,
May ketchup lang at kaning mainit ayos na!”
“Mabuti pa kayo at merong paliwanag,”
Singit ni Saging na feeling bad at very sad,
“Wala ngang ka-egg-bigan but malaswa agad,
Eh sa totoo nga ako ang tinutuhog!”
“Si Itlog nagpapabastos aking palagay,
Sawsaw-parilla sa lahat pati kay MONAY!
Pag ‘di raw s’ya ka-join walang kabuhay-buhay!
Kaibigan pa nga ni Itlog pati TIKOY!”
Dinig pala ni Itlog banat ni BANANA,
“Eggs-cuse me, akala ko naman may puso ka!
Batihin mo na ‘ko nang batihin pwede ba,
Pero ‘wag mo lang akong BATUHIN ng puna!”
Biglang pumagitna si Talong sa dalawa!
Hinimas si Itlog, “Please maghunos-dili ka!”
Hard and boiling mad si Egg at galit talaga!
Waring babalatan nang buhay si Banana!
Nang biglang si PAPAYA umeksena dito,
“Why, sa inyo lang ba may malisya ang tao?
Nakalimutan n’yo na ba na noo’y ako
Pinagpipiyestahan wala pa si Belo?!”
Smile din si PAKWAN sa pagkakataong ito,
Tinuloy ni Papaya ang kanyang diskurso,
“Noon ang mga babae kapag MABUSTO,
Ang binabanggit agad ay kaming MABUTO!”
“Hindi naman kami nagagalit ni Pakwan,
Ngunit ang hustisya ba naman ay nasaan?
Bakit pag walang dibdib ay walang paratang?
Para lang fair…ARATILIS ay pwede naman!”
“Pag isang bagay ba’y isang katotohanan,
TSISMIS bang matatawag pag pinag-usapan?”
Sa hirit ni Saging biglang katahimikan,
Tanong ni Talong, “Bakit ano’ng bagay ba ‘yan?”
“Tulad ni MANSANAS singit nag-iitiman
Pag matagal nakatiwangwa’t nahanginan!”
Sa sinabi ni Saging s’ya ri’y natigilan,
“Ayyy sorry, naalala ko ako rin naman!”
Sa nangyaring ito’y biglang nagkatawanan!
Si Apple at Banana nama’y nagngitian,
Pasok ni SINGKAMAS, “Mapuputi ay ganyan…”
Sabay yabang, “…parang ayos ay ako lamang!”
Sabay bawi, “Oy, ‘wag n’yo ‘kong tingnan nang ganyan!
Joke lang! I’m white too but ITIM pinanggalingan!
Lupa kami galing ‘wag n’yong kalilimutan,
Kaya sa mga HUGOT lang kami mayaman!”
Si Mister Itlog ay nakuhang magbiro pa,
Mga veggies and fruits sininghot isa-isa!
Nagtanong kung why isang frutang inamoy n’ya,
“I just want to know kung sino amoy lupa na!”
Kung ang saging may piling, itlog ma’y…may feeling?
Well, hindi tayo sure, ano ba’ng malay natin?
Who knows kapag sila rin ay merong gathering,
Niluluto naman ay mga human beings!
- Latest
- Trending