^

Entertainment

‘I Have A Bird...Origin?’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Ang Bagong Taon n’yo sana ay maligaya!

Ang pagbati’y mula rito sa Islandia,

Hanapin sa YELO Pages kung ‘di makuha,

Nasa ICELAND po ngayon at nanginginig pa!

 

Mahirap sabihin kung sa salita nila,

Sari-saring marka sa ibabaw ng letra!

Bukas nga’y ganon din pagpunta Finlandia,

Kaya HAPPY NEW YEAR na lang mga barkada!

 

A Prosperous o PURO PESOS na nga sana

Ang hatid ng Bagong Taon sa ating bulsa!

At nawa’y sa putukan sinunod babala

At may fingers pa kayo’t nakaka-thumbs up pa!

 

Bigla ko lang naisip at oo nga pala,

Ang mga ibon, manok at katulad nila,

Kung tutuusin isa lang pagkakaiba —

Kamay lang sa tao at pakpak sa kanila!

 

Eto na naman ako’t lumilipad utak,

Kaya nga siguro pag tayo’y lumalantak

O namumulutan tawag ay pumapapak

Pagkat kamay at daliri ‘yun ating… PAKPAK?

 

Pwede… at pwede rin ang lumikha ng lahat

Ay naisip ding lagyan ang tao ng pakpak,

Dahil ang kaharian N’ya ay nasa itaas

Nang tao sa langit at lupa makayapak!

Ito talaga ang aking ibig sabihin —

Yes BIRD-ginia, I have a birdyou rin… a BIRD-GIN!

Ops, don’t panic darling! GIN is short for ORIGIN!

‘Yan orig na plano ni Boss para sa atin!

 

Nagbago na lang ang balak N’ya hindi kaya

Pagkat naisip N’ya na ang mga nilikha,

Dahil may bagwis at masyado nang malaya,

Kung saan-saan na mapunta at mawala!

 

At masasayang lang ang nilalang N’yang lupa

Kung walang tatao’t gagala sa ibaba,

Kaya Anghel na lang Kanyang pinabababa

At magbantay sa tao sa kilos at gawa!

 

Ngunit kung ngayon ay papipiliin tayo —

Kamay o pakpak? Hmmm… nakatitiyak ako

Na kamay at braso pa rin pipiliin n’yo

Dahil dito na nasanay ang mga tao!

 

Hirap yata dyumingel kung pakpak gamit mo!

Pagbukas pa lang ng zipper problema na ‘to!

Dun galing ang salitang PERPEK palagay ko,

Pag may PAKPAK ang tao at kamay kumpleto!

 

Ipagpatawad n’yo, kaya nga rin siguro,

Upang matapos na’t mapagbigyan din tao,

Binigyan naman babae ng alam na n’yo,

Ngunit TAGO at ginawa ring PUGAD ito!

 

Ang mga lalaki hindi dapat malumbay,

Alam n’yo namang lahat tayo pantay-pantay,

Hindi ba nga’t ibon din tayo sa palagay,

Kaya ITLOG naman sa atin ibinigay!

 

Kaya nga ang ibon, itlog, pakpak at pugad —

Makakapagpaalala sa atin agad

Na minsan noon tayo naisipan ni GOD

Na sa mga ibon tayo ihalintulad!

 

Pero baka nga bird tayo sa first idea,

Kaya lang nung last minute nag-iba ng pasya,

‘Yung lovebird ni Adan hindi n’yo ba napuna —

Hindi kaya ang EVE short for EVE-BON talaga?!

 

‘Yung utos ng Dios nang sila ay pagbawalan

Na ‘wag kainin ang prutas sa halamanan,

Kanilang sinuway at binale-wala lang,

Ayon sa aklat tinawag itong FALL OF MAN!

 

At kung “Fall of Man” ang d’yan ay ipinangalan,

Ibig sabihin sila’y may kinahulugan!

At upang mahulog galing sa kaitaasan,

Kaya nga bird at may wings tayo nang nilalang!

 

Kaya ‘wag ring sisihin kung hilig lumipad!

Kung kaya rin lang at nakakaluwag-luwag!

Malaki rin sinakyan ‘yung ibong ETIHAD!

Happy New Year uli at babalik din agad!

vuukle comment

A PROSPEROUS

ACIRC

ANG

ANG BAGONG TAON

DAHIL

KAYA

KUNG

LANG

NBSP

NGA

TAYO

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with