^

Entertainment

‘Pangheserye at Kalyeserye’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Tanong: Ano ba ang tama, IHI o IHE?

Sagot ay pareho itong MALI at MALE!

Lalo kung ididilig sa pader o poste

Pagkat paligid nati’y magiging MAPANGHE!

 

Babala: (Asawa ni Babalu?), ah basta!

Dyumidyingel sa kalye ang sagwa makita!

Matagal nang problema ‘yan tulad ng EDSA!

Anak ng porta ... let ... se! Dapat nasa SONA!

 

Kung bawal wang-wang dapat na rin pati WI-WI!

‘Yan hanggang ngayon masama nating ugali

Na hindi maalis at hindi ko mawari,

Parang dito lang ‘yan, sa ibang bansa hindi!

 

Wala naman tayong ginagawa talaga,

Puro sulat lang kasi ‘yun ang problema,

Dagdag gulo’t dumi lang mga paalala,

Tuloy “taktak-kilig” pa ri’t patay malisya!

 

Sa ibang bansa ay bihira mong makita

Ang mga “BAWAL” at “DO NOT” na karatula,

Pagkat unang-una sila’y may disiplina

At gobyerno nila ay may mga pangontra!

 

Katulad sa nightclub district sa Alemanya

Kung saan maraming nagpaparaos baga

Dahil sa iniinom syempre na serbesa,

Sa mga pader dun ay may ginawa sila!

 

Ultra-Ever Dry tawag sa ipinintura

Sa mga pader dun at pag isang engot na

Sobrang ihing-ihi at magpapa-ginhawa,

Gishing lashing! Dyingel tatalbog sa kanya!

 

Iba naman nakita nung nagtungong Roma,

Mga sulok nila sinadyang naka-ALSA!

Nakaumbok at “buntis” ang sulok kumbaga,

Kaya talbog at talsik din sa ‘yo... basa ka!

 

Eh dito nga sa atin ay mas malala pa,

Driver at kunduktor pag na-stop sa EDSA,

Bale wala la’t parang walang nakikita,

Nakapikit habang dinidilig ang goma!

 

Mga lalaking Pinoy kahit sa kalsada,

Ang hilig sa P.D.A. aking napupuna,

Not Public Display of Affection, ito’y iba!

Public Display of ARMAS o kanyang SANDATA!

 

At ‘yan ang PANGHESERYE natin sa kalsada!

At panghe-bi trapik na rin d’yan ay kasama!

Featuring rugby boys, snatchers at nagtitinda,

May ending pa kaya ‘tong mabantot na drama?!

 

Pwe! Pangheserye natin ay i-flush na muna,

Dito tayo sa KALYESERYE ng ligaya,

Syempre mga Dabarkads dito mga bida,

Madyidyingel ka rin pero sa katatawa!

 

Tutal pagdyingel naman in public ang topic,

Eh hindi na ako magpapatumpik-tumpik!

Waring ganon lang ako ay magpapatalsik,

Tungkol KALYESERYE naming nakaka-ADIK!

 

Nais kong ipagmalaki mga kasama —

Si Paolo, si Jose, si Wally at si Yaya,

Alam n’yo bang BAHALA NA aming istorya?

Lahat sila kanya-kanyang gawa ng linya!

 

Susi ng tagumpay pagdating sa comedy,

Bukod sa nakapagsusulat ka rin syempre,

Eh hindi lang magpatawa iyo pang keri

Kundi halakhak mo pa ri’y nakabibingi!

 

Sa pangunahing awitin para palabas,

“ISANG LIBO’T ISANG TUWA” ang nakaangkas,

Waring padakila la’t pangakong may angas

At pampaganda lang sa aming patalastas!

 

Tatlumpu’t anim na taon ang makalipas

At halos DALAWAMPU’T LIMANG LIBONG ORAS,

At KALYESERYE nag-umpisang ipalabas,

“Totoo pala s’ya!” aking naibulalas!

 

Totoo pala “isang libo’t isang tuwa!”

Nangyayari nga pala at... walang himala!

Sapagkat Ang Poet N’yo ‘yun ang napapala

Sa t’wing ang KALYESERYE na ay ginagawa!

 

Isang biyaya s’ya at swerteng masasabi —

Ang pangyayari sa amin ng KALYESERYE,

Kaya ngayong TRENTA’Y SYETE na binabyahe,

EAT BULAGA, ‘di lang may asim pa... may PANGHE!

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG POET N

KAYA

LANG

MGA

NBSP

NOT PUBLIC DISPLAY OF AFFECTION

PAGKAT

PUBLIC DISPLAY

TOTOO

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with