‘Ryzza Topping’
Noong three years old pa lang si Aiza Seguerra
Ay biglang naisip kong paguhitin siya,
Kami’y medyo nagulat sa aming nakita —
Isang lalaking nagyoyosi dinrowing n’ya!
At pagdating ng panahon nga’y narito na
Ang aming bagong Bulaga Baby — si Ryzza!
At sa drawing ni Aiza ay aking nakita
Ang magiging koneksyon ng batang dalawa.
Eh kasi isang araw nang makausap ko
Ang Nanay ni Ryzza ay kanyang naikwento
Kung saan n’ya naipaglihi batang ito
At ayon sa kanya… Upos ng Sigarilyo!
Ngek! Mga ito nga daw’y kanyang gustong-gusto,
Iniipon pagkahitit ng utol nito,
Red Marlboro at nilalagay pa sa baso,
Ang matindi’y kinakain n’ya mga ito!
Ngek na naman! At bukod sa magkatunog pa
Mga first names nila at halos magkaletra
Ay “S†din pareho simula ng pamilya
At parehong may pinanggalingang probinsya.
Kaya kami pala’y parang Papa sa Roma,
Kasi pag may sigarilyo may usok din s’ya,
Kapag may usok sa Roma may bagong Papa;
Pag may tungkol yosi sa’min… may bagong Aiza!
And speaking of our Aleng Maliit nga pala,
Noong sa Hong Kong una naming isinama,
Ang mga bantay n’ya ay tinuruan s’ya
Na maging nice s’ya sa mga nakikilala.
Like practice na rin dahil may sariling show s’ya
At du’y nag-i-interview s’ya ng iba-iba,
Pinaliwanag sa small girl ang small talk baga
At paraang pagbubukas-usap sa kapwa.
‘Yun bang kung may makita ka man na maganda
sa taong kausap ay bigyan agad puna,
kunwari ang damit ay kahali-halina,
Say, “Hello… it is so beautiful your bestida!â€
So ready na si Ryzza humarap sa people,
Next morning sa first Hong Kong breakfast n’yay sumampol,
At nang serbidora ay lumapit sa table,
Say ni Ryzza, “ Hi! Good Morning! I like your… pimples!â€
Ngek! Eh siguro kasi ay walang makita
Itong aming bata sa nagsisilbing Tsina,
Walang kapansin-pansin sa kanyang hitsura
Kaya napagdiskitahan ang tigidig n’ya!
Narito isang paslit na walang malay pa
Na may mga hirit s’ya na nakakatawa,
Nangyari pa rin nitong nagdaan pagpunta
Sa Hong Kong ni Ryzza at ng buong barkada.
Sa unang gabing hapunan birthday ni Vic pa,
Kumpleto ang Dabarkads at Comida China,
Naturalmente ang putahe iba-iba —
May beef, may duck, may fish at kung ano-ano pa.
Sumunod na araw muling Comida China,
Sari-saring ulam na naman pumarada,
Bawat pasok ng tsibog nanlalaki mata,
Bundat Aleng Maliit… hindi maka-cha-cha!
Ikatlong gabi’y umulan kaya ang plano —
Sa loob na lang ng otel magsalo-salo
At isang lugar lang pwedeng magkasya grupo
At sa isang medyo sosyal na steak house ito.
Of course steak lahat ang main course ng mga tao,
But in the course si Ryzza ‘di napigil nito,
“Eh wala na pong ulam na susunod dito?
Bakit isa lang food? Nagtitipid ba tayo?â€
Kaya kahit anong mangyari bata ito,
Kaya ‘yung ibang matanda lubayan na n’yo,
Kung ‘di n’yo type si bulilit maglipat ng show,
‘Wag ganyan at baka balakubakin kayo!
- Latest
- Trending