^

Entertainment

'Of Gibraltar and Tar'

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Birthday ko ngayon kaya pagbigyan lingkod n’yo…

Sariwaing muli mga naranasan ko

Nitong nakaraang paglalakbay sa barko,

Pinagmamalaking ibahagi sa inyo.

 

Alam n’yo ba na magkasabay kong nakita

Sa parehong sandali at bukas ng mata —

Kontinente ng Europa at ng Aprika;

Ang Dagat Atlantiko at Mediterranea?

 

At ‘di lang ‘yon… sabay-sabay ding namasdan ko

Sa isang kinatatayuan lang at pwesto

Ang tatlong bansa — Spain, Gibraltar and Morocco!

At ‘di mapa ang tinitingnan ko… no, no, no!

Ngayon ang tanong — nasaan nga ba ako?

Paanong mangyayari bagay na ganito?

Possible lang ito kung nasa eroplano,

Subalit nasa lupa ang mga paa ko!

 

Okay, sige na nga at eto na ang kasi —

Hindi ba nga’t naglakbay sa barko’t sumimple?

Mahigit dalawang linggo na nung mangyari,

Nung ika-dalawampu’t pito ng Setyembre.

 

Sa pamamagitan ng kotse na may kable,

Tinagalog ko lang ‘yung cable car, he,he,he…

Narating ko ang tuktok ng Gibraltar pare,

Halos isang libo’t apat na raang piye.

 

At ang lahat nung binida ko at sinabi,

Dito pala’y magkakatotoong mangyari,

At ayon sa syete ang dalawang kontinente

Noong sinauna daw ay kambal na babae.

 

Europe and Africa daw’y si RUFA at RICA

Seksi, maganda, malandi at spoiled kumbaga,

At ang gusto ng isa gusto rin nung isa,

Kaya madalas lagi silang naggegera.

 

With my wife Eileen upon our arrival at Gibraltar, a British Territory of Overseas located in the Southern end of the Iberian Peninsula

At kaya nagalit ang ama nina Rica

(And now you know pinagmulan ng AMA-RICA)

And ordered Hercules, “Paghiwalayin mo sila!”

At ‘yon nga ang nangyari sa ating istorya.

 

At si ASYA? Siguro’y tinatanong n’yo s’ya,

Well, s’ya nga ang ina ng kambal na dalaga,

At sa nangyari hindi s’ya maka-eksena

Sapagkat hiwalay sila ni Ama-Rica!

 

Kung kaya nga sa buhay ng tao hindi ba

Pag naghihiwalay ay nag-iiba-iba?

Maganda pa rin talaga magkakasama

Upang maging pantay… layunin ay iisa.

 

Kung kaya nga ako sa munting makakaya

Pinagkakasundo ko ang nasirang pamilya,

Kung kaya nga kung minsan pinapasyalan ko ba;

Binibisita at kinukumusta sila.

 

Anak ng tokwa at drumama pa talaga

At nakuha pang gumawa ng palusot ha,

Okay, sige na nga at aaminin ko na —

Ayos talagang tumakas at maglakwatsa!

 

At sa b’yaheng ito may isa pang nakita,

Sa mga sunog-baga balitang maganda,

Sa dami na ng airports aking nabisita,

Sa mga nagyoyosi ito na ang glorya.

 

Karaniwan kasi ang mga smoking area

Siksikan kayo’t sinlaki lang ng kubeta,

Pero itong natuklasan sa Barcelona,

S’yay isang smoking PLAZA parang Araneta!

 

Tiyak mga adik sa hitit liligaya,

Ang maganda pa nito s’ya ay open area,

Gayunpaman may dalawampung higante pa

Na purifiers sinlaki ng poste isa!

 

Iba talaga ‘yung nag-iibang bansa ka,

Daming klaseng papasok kahit ‘di magskwela,

Merong Choc-Nut sa utak at kendi sa mata …

At tulad sa last trip… meron sa ibubuga.

ANG DAGAT ATLANTIKO

BRITISH TERRITORY OF OVERSEAS

EUROPE AND AFRICA

GIBRALTAR AND MOROCCO

HELLIP

IBERIAN PENINSULA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with