^

Dr. Love

Dama ang dulot na pasakit

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Lanie. Ngayon ko nararamdaman ang sakit na idinulot sa akin ng aking mister. Nasagasaan siya dahil umuwi ng lasing. Nawala ang kanyang mga gamit at cellphone.

Nakita ko na lang siya sa ospital. Bali ang buto niya sa binti. Wala na nga kaming panggastos, dinagdagan pa niya.

Halos mangutang na ako nang mangutang para lang matustusan ko ang gastusin namin.

May nakukuha naman kami sa nakasagasa sa kanya pero hindi naman ganoon kalaki. Halos naipapambayad lang namin sa ospital at pambili ng gamot.

Sinisisi ko ang mga barkada niya pero wala rin naman silang nagawa. Mabuti at buhay pa ang mister ko.

Kaso hanggang kailan ko siya aasikasuhin? Paano kung lumala pa ang kanyang kalagayan?

Sinisisi pa ng nakasagasa ang mister ko dahil bigla na lang daw tumawid. May tumutulong din naman sa amin.

Pero hanggang kailan din ako aasa?

Lanie

Dear Lanie,

Sa ngayon kaila-ngan mong maging matatag. Tandan mo na hindi kayo pababayaan ng Diyos. Minsan tayo lang ang nakakalimot sa kanya.

Kailangan ka ng mister mo ngayon.  Kasama ang pagsubok sa bawat mag-asawa. Kaya nga sa hirap at ginahawa ang sumpaan hanggang kamatayan.

Ipagdasal mo ang maagang paggaling ng mister mo at huwag kang makalimot na magpasalamat sa mga tumutulong sa inyo.

Ang taong tunay na nagmamahal ay matiisin at matiyaga.

Magsilbing aral na sana sa mister mo ang nangyari sa kanya.

DR. LOVE

 

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with