^

Dr. Love

Hangad na ibalik ang dati

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Noel. Gusto ko lang po iparating ang mensahe kong ito sa gf ko. Alam kong nasaktan ko siya nang sobra.  

‘Yung  tiwala na ibinigay niya sa akin ay nasira ko, at dahil doon lubos akong nagsisisi. Siyang mapagmahal at sumusuporta ay talagang napasakitan ko nang husto. 

Nahihirapan ako sa sarili kong mga isyu. Sa halip na harapin ko ang mga ito gaya ng isang tunay na lalaki, hindi ko magawa kahit lubos naman akong nagsisisi. 

Nakikita ko ngayon kung paano ko siya nasaktan dahil sa pagiging makasarili ko, at dinudurog nito ang puso pero hindi ko maintindihan ang aking sarili, pigil ang kilos ko.

Gusto kong maibalik ang lahat sa amin, pero blangko ang isip ko at mistulang hindi nakikiisa ang sarili ko para matamo ito. 

Sana mabigyan pa niya ako ng isa pang pagkakataon. Gusto kong ipakita at ipadama sa kanya ang sinsiridad ko sa paghingi ng tawad. Nangungulila na ako sa mga ngiti at halakhak niya. 

Pagpayuhan po Ninyo ako.

Noel

Dear Noel, 

Ang pagiging hindi tapat ay isang seryosong isyu, at nanga-ngailangan ito ng maalalahanin at magalang na paraan upang ganap na maiwaglit sa isip ng gf mo ang mga sakit na iniwan nang pagtataksil mo. 

Pero tigilan mo na ang pagsisi sa iyong sarili. Ang gawin mo ay magsimula ka kahit maliit na hakbang para makuha mong muli ang kanyang kalooban. Trabahuhin mo ito sa bawat araw at maging matiyaga ka.

Gaya ng mga naranasan ng marami, hindi rin imposible na makamit mong muli ang tiwala at pagmamahal ng gf mo. 

Pero kung hindi magkagayon, igalang mo ang kanyang desisyon at ipagpatuloy mo ang iyong buhay. 

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with