Namatay sa araw ng kasal
Dear Dr. Love
Hindi ko maunawaan kung bakit minsan malupit magbiro ang tadhana. Tawagin mo na lang akong Melee, 35 anyos.
21 anyos ako nang ikasal sa aking boyfriend, sa simbahan.
Habang nakaluhod kami sa altar at sinimulan ng pari ang seremonya, biglang nawalan ng malay ang boyfriend ko.
Namatay siya on the spot dahil sa stroke at ang kasal ay naging trahedya.
Natulala ako sa nangyari at makalipas ang tatlong taon, nagpakasal uli ako sa bago kong boyfriend. Mahal na mahal ko siya.
Pero wala pang dalawang buwan, namatay siya sa isang car accident.
Ipinagbubuntis ko ang una naming anak na nalaglag dahil sa labis kong pagdadalamhati at pagkabigla.
Natatakot na akong makipagrelasyon dahil baka may dala akong kamalasan kaya namamatay lagi ang nagiging asawa ko.
Mayroon kasi akong nunal malapit sa daluyan ng luha.
Melee
Dear Melee,
Nagkakatotoo lang ang pamahiin kung napako diyan ang pananampalataya mo.
Sa halip na maniwala ka sa superstitions, magtiwala ka kay Jesus at hindi ka magagalaw ng masamang espiritu.
May mahalagang paalala sa lahat ang Bibliya, na tayo ay mag-ingat sa kung ano ang iisipin dahil maaa-ring ito ang magpatakbo sa ating buhay.
Ibig sabihin, kung ano ang pinaniniwalaan ay may tsansa na siyang mangyari sa’yo. Kaya tanggalin mo sa isip mo ang walang tumpak na batayan na paniniwala tungkol sa nunal at magpatuloy sa iyong buhay.
Dr. Love
- Latest