Ipinangutang ang kasal
Dear Dr. Love,
Napangakuan ko ng eng grandeng kasal ang aking girlfriend kaya nang mapagkasunduan naming magpakasal, napilitan akong umutang sa isang kakilala ng kalahating milyong piso.
Pikit-mata kahit hindi ko alam kung paano ko ito mababayaran. Ayaw naman ng girlfriend ko ng simpleng kasal dahil minsan lang daw ito mangyayari sa buhay niya.
Ipinrenda ko ang naipatayong bahay na nagkakahalaga ng P1.6 milyon.
Worries ako dahil dalawang buwan na lang ang ibinigay sa akin ng pinagkakautangan ko para makapagbayad.
Ano ang gagawin ko? Dalawa na ang anak namin.
Saan kami titira?
Roman
Dear Roman,
Saan kayo titira? Sana iyan ang una mong tinanong sa sarili mo bago ka sumubo sa ganyang kalaking obligasyon?
Sana iyan ay isang bagay din naman na dapat inunawa ng babaeng pinakasalan mo dahil future ninyo ang nakataya.
Kung pumayag siya sa simpleng kasalan, wala sana kayong malaking problema ngayon. Pero inuna niya ang kapritso at sinunod mo naman kahit mali.
Kung wala kang maisip na solusyon sa problema mo, obligasyon mong tumupad sa kasunduan ninyo ng iyong pinakakautangan. Kung iilitin ang bahay at lupa na isinanla mo, wala kang magagawa kundi ang isuko ito.
Dr. Love
- Latest