^

Dr. Love

Nililigawan ng albolaryo

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kilala si Mang Emong sa aming lugar bilang albolaryo na nakapagpapagaling ng kahit ano mang sakit.

Laging mahaba ang pila sa kanyang bahay dahil sa rami ng kanyang napapagaling.

Thirty two years old siya at walang asawa.

Ngunit may reputasyon din siya na isang mangkukulam.

Sabi nga ng iba, napapagaling niya ang sakit ng tao dahil siya rin ang nagbibigay nito.

Aksidenteng nagkatagpo kami ni Mang Emong sa palengke nang namili siya ng kung anu-anong dahon.

Nagpakilala siya at madalas niya akong dalawin at nagsimulang manligaw.

May itsura naman siya pero ayaw kong makipagrelasyon sa mangkukulam. Kung babastedin ko naman ay baka kulamin ako. Ano ang gagawin ko?

Matilda

Dear Matilda,

Sabi ng Biblia, ang lahat ng tumanggap kay Kristo at nana-nalig sa kanya ay hindi kayang salingin ng diyablo.

Manalangin ka nang taimtim, magsisi sa lahat ng kasalanan at papasukin sa iyong puso si Kristo. Sa gayo’y ikaw ay magiging anak ng Diyos.

Mabuti ang Diyos at sa taimtim na pagsisisi at pagtanggap sa bugtong niyang anak na si Jesus, patatawarin niya ang lahat ng iyong kasalanan at ikaw ay magi-ging bagong nilalang.

Sasaiyo ang kanyang proteksyon pati na ang pangangalaga laban sa masamang tangka ng demonyo.

Dr. Love

vuukle comment

MANG EMONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with